ARYNN DELA ROSA "Are you not aware, Miss Dela Rosa?" Tanong sa akin ng doctor. Nakatinginan kami ni Reynald. Humigpit ang aking hawak sa kumot nang tumango it. Lumipat ang aking tingin sa naghihintay na doctor. "I... I don't..." "Are you sexually active?" "Yes, but that was two months ago and... and I took birth control pills—" "Birth control pills are not one hundred percent effective. Kahit na maliit ay may chance pa rin na magbuntis." Nakaramdam ako ng panlalamig. Yumuko ako at nag-isip. Ang lalaki na nakasama ko ay si— Natigil ang malalim kong pag-iisip nang hawakan ni Reynald ang aking kamay at pisilin iyon. Tumingin ako sa kanya and he gave me a gentle smile. "Doc, thank you. I'll take it from here." Tumango ang doctor at lumabas ng silid. Ilang minuto ng katahimikan ang na

