ARYNN FAJARDO “Ano ang sabi mo?” He sighed and turned his head on me. Walang bahid ng pagsisisi ang ekspresyon nito. “Hindi mo na kailangan pang itago, Arynn. Matagal ko ng alam ang tungkol kay Ford.” Kumunot ang aking noo at umalis sa pagkakasandal sa railing. “Hindi mo anak si Ford. Naririnig mo ba ang sarili mo? Huwag mong angkinin ang anak ng iba.” “I have documents. Pina-DNA test ko siya—” “Without my consent?!” Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig. “Talaga bang wala ka ng respeto sa akin?” “Hindi ko siya kukuhanin sa iyo, Arynn. Hindi rin kita pipilitin na ipakilala mo ako bilang ama niya. Wala akong hihilingin na kahit ano.” Tumaas ang isa kong kilay. “Paano ko panghahawakan ang mga salita mo?” Nag-iwas siya ng tingin at umigting ang kanyang mga panga. “Nakita mo na? H

