CHAPTER 41 – MORE

1302 Words

ARYNN FAJARDO   Parehas kaming napako ni Youji sa aming kinatatayuan nang marinig ang boses ng aking anak. Nilapitan kami ni Ford at agad niyang hinawakan ang kamay ko. “Bakit niyo po inaaway ang mommy ko? Inaalagaan naman po niya kayo.” “Ford—” “Hindi na niya ako nababasahan ng bedtime stories dahil inaasikaso po niya kayo. Maaga rin po siyang gumigising para ipaghanda po tayo ng almusal. Pero inaaway niyo pa po siya?” Napatingin sa akin si Youji. “Ikaw ang nagluluto?!” Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kasi masabi na may galit ang mga katulong niya sa akin at siya lang ang pinaghahanda nila ng pagkain. Kaya ang nangyayari ay ako ang nagluluto ng kakainin namin ni Ford. Ngunit hindi ko alam na alam ni Ford ang ginagawa ko. Kapag kasi iniiwanan ko siya ay palagi lang itong tulog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD