CHAPTER 40 – PAGITAN

1579 Words

ARYNN FAJARDO   Isang linggo na ang nakakaraan simula noong tumira kami rito. Hanggang ngayon ay wala pa ring update ang pulisya ukol sa kaso namin. Habang tumatagal tuloy ay mas nag-aalala ako sa kaligtasan ng aking anak. Kung sadya man iyon ay dapat akong kumuha ng security para sa kanya at bawasan ang tao na nakapaligid sa amin. Huminga ako ng malalim at ininom ang mainit na kape sa baso na hawak ko. Nakita ko si Cairo na palapit sa akin habang sakay ng kanyang kabayo. May batang babae na nakasakay sa kanyang harapan. Nang huminto siya at bumaba siya at saka palang binuhat ang bata. Hinintay ko sila na makalapit sa akin. “Magandang umaga,” bati niya. Tango lang ang sinagot ko at nagpatuloy sa pag-inom ng kape. Bumaba ang aking tingin sa batang babae nang bigla siyang magtago sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD