ARYNN FAJARDO “Hindi ako nakikipaglaro sa iyo, Youji. Pumasok ka na sa banyo.” “T-shirt lang ang nabasa sa akin, Arynn.” Tumayo ako sa kanyang harapan at inilagay ang mga kamay sa bewang. “Ano? Hindi ka na maglilinis ng katawan? Maglalagkit ka.” Napalunok ito at nag-iwas sa akin ng tingin. “I… I won’t be able to hold back.” “Hold back? Para saan?” “Arynn, hindi na tayo bata. Alam mo na ang ibig kong sabihin.” I sighed exhaustingly. “Alam mo, mas madali pang alagaan ang dati kong asawa kaysa sa iyo. Cancer pa ang sakit niya, ha, pero ang dali lang niyang kausap. Samantalang ikaw, pinapasakit mo ang ulo ko.” “Parang kahapon lang ay ilang na ilang ka na makita na naka-boxer ako. Tapos ngayon ay pinapapasok mo ako sa banyo para roon hubaran.” “Napag-isip-isip ko na, walang malisy

