ARYNN DELA ROSA Pabagsak kong sinara sa kanila ang pinto. Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa galit na nadarama. Binagsak ko ang aking sarili sa malambot na kama at niyakap ang unan. Bigla kong naalala ang mga salitang binitiwan ni Youji. Tumulo ang luha sa aking mga mata at mas humigpit ang yakap ko sa aking unan. Tumunog ang aking cellphone at agad kong tiningnan iyon. Sinagot ko ang tawag nang makita ang pangalan ni Sassy. "Sassy," saad ko sa pagitan ng mga hikbi. "What's wrong?" "Hiwalay... na... kami." "Sige, iiyak mo lang." Isinalaysay ko sa kanya ang lahat ng nangyari at mga binitiwang salita. "Are you alright? Do you want me to go there?" "Sassy, bakit ang sakit marinig iyon mula sa kanya?" "Kasi mahal mo siya, Arynn." "Ang sakit, Sassy. Nagsisisi na ko. Hindi ko al

