ARYNN DELA ROSA Hindi ito sumasagot sa tawag ko at hindi pa rin niya ako pinagbubuksan ng pinto kahit alam kong nasa condo naman siya. Hindi ko alam kung may ideya na ba ang family niya sa nangyari sa aming dalawa pero nag-iba na rin ang trato sa akin ng kanyang ina. Hindi ko na alam kung sino ang lalapitan ko. Ayaw ko naman tanggapin ang tulong ni Miguel Cabrera dahil nais ko na maayos namin ito ng kami lang ni Youji. Pangatlong araw na kaming hindi nag-uusap at ngayon ay nasa harap akong muli ng kanyang condo unit. I rang the doorbell and I heard footsteps. It stopped in front of the door. "Youji, mag-usap naman tayo." Pagmamakaawa ko. Nabawasan ang bigat ng aking kalooban nang buksan nito ang pinto. Halos manginig ako sa malamig na tingin nito sa akin. Magulo ang buhok nito na til

