ARYNN DELA ROSA Napatay ko kaagad ang videocall naming ni Youji dahil sa kakaibang selos na naramdaman. Ang alam ko ay lalaki ang kanyang propesor pero sino ang babae na iyon. Pinilit ko na palawakin ang pang-unawa at hindi madala sa galit. Hihintayin ko na mag-explain sa akin si Youji. Ang sabi niya ay may bakasyon siya ng pitong araw, kailan ba siya uuwi?! Sumasakit na ang aking ulo at tangi na kay Sassy ko lang nalalabas ang aking sama ng loob. Mabuti nalang at lahat ng lumabas sa preboard ay natandaan ko kaya confident ako na hindi ko iyon maibabagsak. Sassy groaned. “I didn’t get to sleep last night. Sana tama iyong pattern na sinunod ko.” “Pattern?” Tumango ito. “Yes. They put most of the answers in letter c. I’ve read that on the internet.” “Sass, the questions are all in the

