Chapter 6

2367 Words
  “Paano ko hindi mahuhulaan eh sino bang matinong guild ang kukuha sa gaya ninyo?” natatawang wika nito na nagpataas ng kilay sa kaibigan ko sa inis, “Ikaw, isa kang Illusionist. Kayang-kaya mong patumbahin ang isang batalyon sa panaginip lang nila. Etong bata eh isang Apprentice, napakalaking potential, pwede ding walang patutunguhan and lastly, isang Spiritualist. Kailangan ko pa bang sabihin bakit walang magtatangkang tumanggap sa kagaya niya?”     Nagtaas ng noo si Wynda, “Well, excuse me at mga patapon kami.”     “Naku, huwag kang mag-alala. Sanay ako sa mga patapon,” masayang sagot nito as if hindi nahalatang nakaka-sakit na siya ng damdamin, “So kung pauwi na kayo, it means wala kayong napasukang guild as a member or as an understudy. Which can only mean one thing.”     “And that is?”     Ilang segundo na lang at makakaipon na ako ng lakas para i-cast ang skill kaya patuloy na sinasakyan ni Wynda ang trip nito habang pinapakalma pilit si Mors na nanginginig sa takot as the poor boy can’t possibly comprehend how monstrously powerful this guy is na nagshushutdown na ang utak niya.     I can’t blame him though.     Akala mo ay nakikipagkwentuhan lang sa amin itong lalaki pero he never let his guard down at all.     Halata sa postura niya na kaya niyang mag-react in a split second easily kaya fifty-fifty kung makakatakas nga kami using my skill.     “Sakin na kayong tatlo!” malakas na announce nito out of the blue happily and to my surprise, he winked at me knowingly, “Too bad mas naunang mag cooldown ang skill ko kesa sa casting mo. Paano ba yan, sasama kayo sa akin!”     Bago pa ako maka-react ay nakapagcast na agad ito instantly, “Racing Bushfire!”     I was about to unleash my skill prematurely para kahit papaano ay makateleport kami halfway sa pinakamalapit na sementeryo pero sa isang iglap, nakakarinding pagsabog ng apoy at nakakasulasok na usok ay nadala na kami ng lalaki sa paparoonan niya without me even having a chance.     Hindi lang ako kundi pati na rin sila Wynda at Mors ay dinalahit ng ubo sa dami ng usok na nalanghap namin and when we managed to get a hold of ourselves, we are surprised to see a massive guild manse in front of us.     Mga malalaking mansion kadalasan ang headquarters ng guilds while kaniya-kaniya ng unique manse ang top eight na samahan kung saan sila nagco-conduct ng business, tumitira at nag-eensayo.     Ang sa Aindrac kanina, akala mo ay napakalaking palasyo complete with security guards and red carpet while isang malaking ospital at wellness center naman ang sa Glorious. Pero this one...     I am sure guild manse itong pinagdalhan sa amin pero hindi basta-basta lang na guild.     Animo’y maliit na fortress surrounded by a moat at may drawbridge pa sa harapan namin leading inside kung saan nakikinig namin ang boses ng mga tao na nagkwekwentuhan ng masaya sa loob.     “Teka, parang nakita ko na ito...”     Ginulo ng Pyromancer ang buhok ni Mors at kumindat dito, “Saglit lang ha? Diyan lang kayo at huwag kayong magbabalak tumakas. Mahahabol at mahahabol ko kayo. Mabilis lang ako tas lalabas din ako ulit.”     Iyon lang naglakad na siya papunta sa entrance ng napakalaki at napakatikas na kuta as if he owns the place.   When he crossed the drawbridge, may nag glow sa kaniyang kanang braso at nakita naming tatlo ang kanina’y invisible na pulang liwanag na nakaharang sa pintuan.     “I’m back! Supplies!”     “Gago lang, tol!”     “Wala ka pang thrity minutes nakaka-alis ah!”     “Pustahan hindi siya naka-abot sa Applicants Charity Pit.”     “Again.”     “Ano pa nga ba?”     “Mouth open-open na naman ang drama natin sis.”     “Turon! Ek!”     “Nakupo naman pa ilang taon na tayong tigang!”     “Stagnant, ew.”     “Ewan ba naman kasi bakit walang basurang naligaw dito kaninang maghapon at puro mga may silbi!”     “Puro kacheapan!”     “At iyong nag-iisang chance na nga lang para makapamulot tayo ng kalakal, winaso mo pa!”     Nakinig namin ang pag-hiyaw sa sakit ng lalaking nag-dala sa amin dito, “Aray! Teka nga! Ang aga ninyo naman maghusga! Baka nakikinig tayo ng mga recruit ko sa labas, maisip na mga ulol kayong lahat dito sa loob!”     “Anong na-recruit? Gutom lang iyan, boss!   “Oo nga! Anak ng pusa, pahirap na naman tayo sa submission ng excuse letter kung bakit wala doon ang representative natin!”     “Oh, loko!”     “Naku! Ewan sa inyo, ayaw ninyo akong paniwalaan! Puwes, kung hinahamon ninyo ako ay papalag ako! Diyan lang kayo ha! Titingnan ko kung hindi pa nakakalayo ang mga napulot ko sa kalsada. Mahirap pa naman hanapin ung isa.”     Napa-atras kaming tatlo sa aming nakinig at lumabas muli ang Pyromancer na nagulat ng makitang nakatayo pa din kami sa labas.   “Aba, akala ko ay tatakas na kayo!” hindi makapaniwalang sabi nito sabay tingin sa akin inquiringly, “Kung tama ang hula ko, may sapat kang oras para mag-cast, nakalayo na sana kayo!”     Pero umiling lang ako at bumuntong hininga si Wynda dahil gets niya bakit hindi na ako nagbalak, “Ano pa ang kwenta kung mailayo ko nga sila kung madali mo naman kaming maibabalik dito.”     “Good point!” masayang sang-ayon nito sabay akbay kay Mors na hanggang ngayon ay hindi pa din makaimik sa kaba, “Halika na kayo sa loob para hindi na makapalag pa ang mga duda kong kasamahan!”     Wala naman kaming choice kung hindi sumunod so we did.     With the kid on his arm and us behind him, naglakad na kami papunta sa entrance at tinanggal niya ang safety wall ng malaking pintuan para makapasok kami ng walang aberya.     What welcomed us is a scene that I only saw in the lifestyle shows sa telebisyon at guild magazines. Marangyang mga kagamitan, priceless and historic artifacts from days long forgotten, diamond encrusted chandeliers that gave a luxurious and calming yellow light sa buong foyer kung saan may mahigit isang dosenang mga guild members that are obviously powerful and almost on par with the guy who brought is here.     Napairit ang mga babae habang napasinghap ang mga lalaki nang makita nila kaming tatlo as if hindi sila makapaniwala at all.     “Ay kaloka! Seryoso ka?! Ek!”     “Uy, boss, legal mo ba nakuha iyang mga iyan?”     “s**t, did we hit the grand prize?”     “After all these years of waiting. Bwisit, sulit paghihintay!”     Bago pa makapagyabang ang lalaki sa harap namin ay tumalbog na lang siya easily out of the sudden nang biglang may Performancer na lumabas out of nowhere sa tabi niya.     At hindi lang basta-basta pakalat na Performancer.   Gaya ng Pyromancer, hindi na ako halos makahinga sa lakas ng aura na inilalabas nito.     She is just brimming with absolute power and confidence, hindi ko siya halos magawang tingnan.     Not to mention napaka-natural ng kaniyang ganda at ang yaman ng kaniyang dibdib na tumalbog bigla as she hugged the three of us suddenly.     “Goodness gracious! Aren’t you three just adorable?!” irit nito sabay pisil sa pisngi ng best friend ko, “A bonafide Hazemancer in the making, grabe, bata pa ata mga magulang ko noong huling me nakagraduate ng course mo!”   Hindi maka-react si Wynda dahil gaya ko ay paralyzed kami ng nakakatakot nitong presensya as she moved towards Mors at sa sobrang excitedment nito ay halos malunod na ang pobre , o swerteng bata, sa mayaman niyang dibdib when she just grabbed him as if he is nothing more than a stuff toy.     “Ang cute cute mo na mana, iho! I say pinagpala tayo ng itaas dahil sa atin niya ibinagsak ang nag-iisang future Neomancer ng Sapienos in recent history! Not to mention what an eyecandy!”     And finally, hinawi niya ang aking bangs hiding my blood red eye na tinatago ko sa madla, a sign of heritage, “And here we have a fearsome soon-to-be Necromancer right inside our very guild manse. Grabehan lang talaga, ang binasura ng iba, ginto sa ating linya.”     “Hazemancer, Neomancer, at Necromancer! Sinasabi ko na nga ba! Seswertehin din ako finally sa pagiging late ko sa Applicants Charity Pit after all these years of bad luck!” inilahad nito ang kamay niya at biglang may tatlong scrolls na lumabas mula sa nagbabagang apoy sa tapat niya na naglaho din agad, “Well, approved na ng madam namin so there’s no point of not asking you three to sign the contracts.”     Gulat naming sinalo ang initsa niyang scrolls at binuksan ito as ordered by the smiling Performancer sa amin.     “Guild Membership Contract?!” windang na bulalas ng kaibigan ko as she read the paper gingerly and based on her expression, it’s the real deal.     After all, she of all people should know what is real and what is nothing more than lies and fantasies.     “Wait, a minute. This is,” hindi makapaniwalang sabi ko as I read the guild name.     “Neox Soldality,” tapos ni Mors sa sinasabi ko at napatingin kami sa Pyromancer na ngumis sa amin at kumindat, “Wala ang Guild Hero ng Neox Soldality sa Applicants Charity Pit.”     Napangiwi kami ng hinambalos ng Performancer ang lalaki na nagdala sa amin dito, “Unang impression pa lang sa atin, bagsak na agad, bwisit ka!” “Oy! Kung hindi naman ako na-late, hindi ko sila makukuha!” reklamo nito sabay magalang na tumungo bago nagpakilala sa amin, “Guild Hero of the Neox Sodality, Gaius Maximus. Welcome to our guild manse!”     Mors and I glanced at our Illusionist friend at ngumiti lang ito a little as she gave the contract one approving nod, “It’s legit, Dira.”     “Grabe, siya nga?” manghang sambit ko as Mors looks at the paper in his small hands excitedly, “Well, garbages can’t be choosers.”     “True,” sagot ng best friend ko as she snapped her fingers and her signature written with the help of very powers she commands.     I did the same but we look at our young friend who still can’t believe the luck that has fallen on our laps.     “Underaged ka pa, okay ka na bang pumirma?” tanong ko dito pero ngumiti lang siya ng matamis sa akin in answer.   “Basta graduate ka ng course mo, legal lahat ng pirmahan mo! Iyan turo ng teachers ko sa school,” masayang sagot nito sabay pitik ng kaniyang mga daliri sa papel at nagkapirma na din ito accordingly, “Okay na po!”     Pinisil ng Performancer ang mga pisngi nito at hindi ko siya masisisi dahil talagang nakakagigil nga naman talaga ito sa kaniyang ka-inosentihan.     “Bago magkalimutan, akin na ang mga checklists ninyo,” hingi ng Guild Hero at mabilis naman naming inabot sa kaniya ang aming listahan, “At ang inyong mga resumes?”     Inabot naman ng Performancer ang kaniyang napakakinis na mga kamay at kahit hindi ako nag-aayos ng kuko ay hindi ko mapigilang mainggit sa kaniyang halatang alagang-alagang mga nail-arts, “Sasha Bailey, Performancer, ex-diva and the Guild Madam.”     “Technically, she’s the one pulling the strings behind me,” sabi ni Gaius na masayang tiningnan ang aming mga resume at nagtaasan ang kaniyang mga kilay, “Anak ng pusa, resumes na may seal of authenticity ng mga schools na pinagtapusan ninyo and you all graduated with flying colors.” Sasha glanced at the papers herself before passing it around sa mga guild members na mga napasinghap, “Flying colors? Mukhang mga ka-batch nila ang pinalipad nila sa taas ng mga nakuha nilang awards. You are all the top of your courses.”     “Tried twice as hard, still bagsak,” simpleng sabi ni Wynda sabay turo sa hawak na checklist ng Guild Hero meaningfully, “We didn’t complete those lists for nothing, sir.”     Malungkot namang tumingin sa amin ito at nagkibit balikat as if it’s nothing to be concerned about at all, “Talaga? Well, let’s just say na swerte kayo dito sa Neox dahil hindi kayo naiiba.”     He then snapped his fingers and the checklists are eaten by flames but didn’t produced any ashes.     Instead, itinuro ni Sasha ang malaking collage like painting na nakasabit sa gitna ng Foyer at napasinghap kaming tatlo.     Dahil ang aming mga listahan ay nagliyab pabalik sa realidad at dumikit sa hindi mabilang na checklists na puno ng rejections from all guilds through the years, no, through the centuries.     “Mahilig kaming mamulot ng mga patapon, tinanggihan, isinuka at binalewala ng ibang guilds. We built Neox’s reputation as one of the Elite Three of the Guilds of Sapienos only by selecting the complete and absolute rejects that no one in their right minds get,” taas noong sabi ni Gaius as he pointed at the guild members na nagtawanan ng mga malalakas sa sinabi niya, “Ilang taon na kaming walang makuhang bagong recurits dahil wala pang nasakto sa aming admittedly ay may kababaang standards.”     Tinikwas ni Sasha ang kaniyang buhok at tumango as she pushed me, Wynda and Mors papaakyat ng grand staircase leading to the manse proper, “If Aindrac prides themselves in only getting the best of the best? Well, kami ang namumulot ng mga itinapon nila sa basurahan. And look how we found you three priceless and adorable new members. Naku, tiyak matutuwa ang aming resident Photomancer ngayong meron na siyang mamementor at maipagluluto ng masasarap na putaheng lagi niyang sinasabing tsaka lang niya lulutuin pag may mga bago nang salta.”     “No offense, pero, is she worse than you?” I asked flatly na nagpatahimik sa ex-diva for a minute bago tumawa ng sobrang lakas, nanginig na lahat ng salamin sa paligid namin to the point na parang mababasag na.     “She will make me look like a harmless kitty, dear Vladira...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD