“Nakinig ko kayo nag-uusap na kulang kayo ng isang pirma sa checklists ninyo, hindi ba?” magiliw na tanong nito sa aming dalawa at napatango na lang kami, “Kung sasama kayong dalawa sa akin sa Guild Arena, may chance na mapirmahan ang inyong mga listahan! Sabi sa akin ng bantay doon, kulang pa sila ng dalawa para papasukin ako. Buti na lang nakita ko kayong dalawa!”
Bago pa kami makasagot ay bigla na lang umagkla siya sa aming mga braso at kinaladkad na kami papunta sa direksyon ng malaking stadium kung saan naglalalaban ang mga guilds monthly for personal fame or mga one on one bouts to settle disputes for everyone to see and enjoy.
Pero once a year, nagiging venue ito ng tinatawag na Applicants Charity Pit.
Lahat ng mga hindi natanggap sa one day hiring ng mga guilds ay maaaring mabigyan ng huling tsansa para maging myembro ng mga samahan as an understudy.
Understudy meaning benchwarmer sa mga guild members na hindi makakatrabaho sa mga quests, chores, guild wars, exhibitions and boss hunts.
Masasabi din na isang magandang tawag sa dakilang katulong ang understudy since ang tangi lang nilang gagawin, lalo na sa mga established guilds ay maging utusan, tagabitbit ng mga weapons at tagalinis ng sapatos.
Though masasabi na hindi na rin masama ang sahod ng mga understudies since they will recieve a flat half ng sinasahod ng pinaka-highest earning na member nila kahit may gawin sila o wala.
May chance pati na maging permanent members sila pero napakadalang mangyari nun dahil kadalasan ay mas priority ang mga bagong salta na bata kesa sa mga matatagal nang understudies.
“Sure ba na pipirmahan ang checklists namin kahit hindi kami matanggap?” tanong ni Wynda sa bata na tumango agad excitedly, “Besides, ayaw kong maging katulong ng iba as much as possible. Hindi ko na nga maalagaan ang sarili ko, ibang tao pa.”
Napataas ang kilay ko ng makita ko na halos walang aplikante ang nasa labas ng Guild Arena which is odd dahil normally, ang charity event na ito ang last ditch hope ng mga gaya naming isinuka ng guilds for one last look.
Required na kumuha ng isang grupo, o triad, ang mga guild as a way of helping the needy at public appeal na din para naman masabing mababait sila at approachable kahit hindi naman talaga.
Sa dalawang dosenang guild na napag-applyan namin, sa isa lang kami naka-abot sa receptionist and even then, napadampot pa kami sa pulis.
“Bakit parang ang unti naman ng mga tao? Napanood ko last year ay punong puno ito ng mga nagbabakasakaling newly grads at job hunters pero ngayon parang nilalangaw ata sa takilya? What gives?”
“Diba? Kaya nga pinahanap ako ng receptionist ng dalawa pang aplikante makabuo lang sila ng final trio para dumoble sa bilang ng mga guilds ang mga triads for selection. Buti na lang naabutan ko kayong dalawa bago kayo umuwi!” masayang sagot nito sabay tingin sa hindi makapaniwalang resepsyonista ng makita niya ang dala-dala ng Apprentice sa harapan ng kaniyang desk, “Hi Ma’am! Tatlo na kami! Pwede na kami makapasok, right?”
Tumango naman ang babae as she eyed me and Wynda fearfully before extracting two forms from her stack of paper, “Oo, pwede na. Paki-sign muna ng waivers na ito stating na hindi ninyo iheheld-accountable ang event if ever hindi kayo makuha as understudies.”
“Ay naku miss, I bet hindi na namin kailangang sabihin ang jobs namin to drive the point na hindi na kami umaasa, right, teh?”
Tumango agad ako sa sinabi ng best friend ko at pumirma na din after reading it and making sure na nakalagay dun na mapipirmahan ang aming listahan kahit hindi kami mapili mamaya.
“True, sis. Anyways, sure na pipirmahan mo checklists namin ha? Kahit iyon na lang, okay na,” malinaw na tanong ko as I used a bit of unverbal skills to make her feel the fear of crossing me more evident, “Kahit ganito kami ng kasama ko, matino naman kaming kausap.”
Wynda giggled mischievously before winking at the receptionist, “Basta matino din kausap namin, gaya nitong cute na bata na ito.”
“Hindi na ako bata. I’m thirteen na,” reklamo nito at napatawa naman ako ng mahina.
He have this certain charm and grace na kahit ang tulad ko na never naging close sa kahit kanino na kakakilala ko lang at hindi galing sa marquisate ay gumagaan ang loob sa kaniya.
Maybe this is one of the gifts of the angels to him.
“Of course! Just wait for the evebr to finish and you can return here posthaste. You know what, if you want, pipirmahan ko na ngayon ang mga listahan ninyo, akin na.”
Inabot naman agad naming tatlo ang mga tangan naming mga papel at mabilis pa sa alas kwatrong pinagpipirmahan nito ang mga ito bago isauli sa amin.
“Hindi naman siguro ako lalamangan ng mga aplikante na hirapan na makakuha ng pirma at all, much less slots sa guilds, right?”
Sabay kaming tumungong tatlo at nakahinga ng maluwag ito bago itinuro ang malaking archway sa kanan ng foyer.
Hindi na kami nagsalita at dumeretso na kami sa loob as fast as our feet can carry us.
Sigurado na ang pensyon namin!
“Ay grabe, ang swerte naman natin at nadampot tayo ni cutie!” hindi makapaniwalang bulalas ni Wynda as we stepped inside the vast field kung saan halos isang libong mga aplikante ang nagbabakasakaling mapili sila kahit understudies man lang, “Ay ano nga pala name mo? I’m Wynda by the way. Wynda Averne, Ilussionits. Siya naman si Vladira Sandugo.”
Ngumiti ng matamis sa amin ang batang lalaki that made us sigh sadly.
Tiyak na madaming puso itong babasagin pag laki niya.
“Moris Finis. Pero tawagin ninyo na lang ako Mors. Iyan naman tawag sakin nila mama at papa,” magiliw na sagot nito as we took the farthest most secluded corner ng field para hindi namin madikitan ang mga very competitive na aplikante, “Dito lang ba tayo?”
Nagkatinginan kami ni Wynda ng malungkot at tumango, “Oo, kasi alam mo naman mga jobs namin, hindi ba? Baka mamaya mapalayas pa kami dito ng wala sa oras and wag naman sana ay bawian ng pirma. Pero ikaw, kung gusto mo talaga matanggap sa guild kahit understudy, push! Punta ka sa kung saan ka kita at magpapansin ka. Not that you need to do something drastic. I mean, hindi kami tinititigan for a change kundi ikaw. Look.”
Tama ang kaibigan ko dahil parang hindi kami nag-eexist na dalawa sa tabi ng kasama naming Apprentice.
Takaw pansin naman talaga ang kaniyang mala-anghel na mukha at pangangatawan but it turns out he can be rather shy at umiling na lang while he grabbed our arms adorably and tried to hide his blushing face in embarassment.
Buti na lang at nagsimula nang magsalita ang announcer as he called out our attention mula sa podium sa pinakataas ng arena at katabi niya ang sixty na mga guild leaders ng Sapienos at tinitingnan kaming lahat solemnly.
“Dear applicants, this is the last chance para makakuha kayo ng slot sa mga guilds! The one day hiring is already finished at para sa mga hindi gustong umuwing luhaan, you made the right choice na hindi isipin ang inyong dignidad at magbakasakali sa Applicants Charity Pit. Understudies you may be, mas mabuti pa din ito kaysa sa walang nakuhang slot at all by the end of the day at kesa umasa sa patamang ayuda ng gobyerno ng mga mortal! Huwag na nating pagalin pa at ipapakilala ko na ang mga pinagpipitaganang mga pinuno ng kilalang samahan sa Sapienos!”
Nagsimula na nitong sabihin ang pangalan ng mga guilds and guild leaders from bottom to the top at after a few minutes, nakarating na siya sa cream of the cream of the crops na guild.
You see, sa sixty legit guilds ng Sapienos, may labing anim na masasabing pinakamalakas, kilala at kinatatakutan hindi lang sa kontinente namin kundi pati na rin sa mga bansa ng mga immortal.
But on top of those sixteen are the eight guilds who are called “The Infinites”.
Sila iyong founding guilds ng mga tao simula noong unang panahon pa and they stood the test of time to be the most powerful, the elite of the elite and cemented their names already in the annals of our glorious history in Gaia.
Their names are as follows from the eight to the first:
The Gaian Consortium lead by Guild Leader Kaito which overcomes their inadequacies with sheer numbers of their members alone.
The Shadow Brotherhood lead by Guild Leader Nox which is an all male guild that works in the shadows to achieve their goals.
The Fantasia Sisterhood lead by Guild Leader Tanya which is probably the most famous guild in the world because of their dealings and focus in the showbusiness and the polar opposite of their allied guild of Nox.
The Mercantile League lead by Guild Leader Aurum which is a rather odd guild that focuses more on securing the safety of the lucrative supply lines where they extract large ammounts of profits from rather than from government and civilian issued quests.
The Glorious Fellowship lead by Guild Leader Teresa is more of a charity and support guild rather than a business or attacking one who are focused on feeding programs and medical missions and they are the ones who are said to organized this Applicants Charity Pit.
Ngayon, dumating na din sa tatlong pinakamataas sa lahat ng guilds.
In the third place is the Prestige Society lead by Guild Lord Arthur whose members are only from the upper crust of the society ranging from scions of oldest political, business and noble dynasties, the weakest of the three but dangerous nontheless because ancient bloods carries the most potent of the elemental magic of mortals.
Coming in second is the odd but historic Neox Sodality lead by Guild Hero Gaius who leads a bunch of absurdly powerful members from all parts of Sapienos, from all genders and jobs, said to be established by the very savior of mankind when it is on the brink of annihalation.
Lastly and the best of all is the Aindrac Order, which only accepts only the most powerful, promising and skilled applicant of all and is infamous for being a guild full of elitists and snobs.
Well, hindi sila nagkamali sa Aindrac na ngayon ay nakapamili na ng triad understudies nila.
Puro mga final jobs na of course ay nahuli lang sa applications today for various reasons.
Tig-iisang Hydromancer, Geomancer at Electromancer lang naman ang kinuha nila at talagang inintay naman ng tatlong ito ang Aindrac dahil tinanggihan nila lahat ng offers ng ibang guilds at hinintay talaga ang number one.
Nga naman.
Why settle for the leasts when you can settle for the best?
“At dito nagtatapos ang ating Applicant Charity Pit ngayong taon! Sa mga nakuha, congratulations! Sa mga hindi, better luck next time, if may next time pa nga! Ingat sa pag-uwi at pina-extend namin ang teleportation portal time para sa mga dumalo sa event na ito, thanks to the ever kind initiative of the Glorious Fellowship!”
Napatingala kami sa announcer at nagulat kami na tapos na nga pala talaga ang almost an hour na pilian ng hindi namin namamalayan.
Nagkwekwentuhan lang kasi kami nila Mors at Wynda the whole time kaya laking gulat namin na uwian na.
“Wow, at least napirmahan ang ating checklists! Matutuwa tiyak sila mama at papa kasi sabi nila huwag daw ako aasa na may pipirma at all!” masayang wika ng Apprentice sa amin as we walked outside of the arena arm in arm while fending of the curious stares and whispers of other applicants like us, “Uuwi na ba kayo?”
Tumango si Wynda at huminga ng maluwag, “Uuwing sapat kamo. Akala ko talaga luhaan kaming babalik sa aming barangay pero salamat talaga sa iyo, makakapagsimula kami ng maliit na negosyo malapit sa bahay namin, right, Dira?”
“Ano pa nga ba Wyn? For someone who have jobs like ours grabeng milagro na nakapagpapirma tayo ng labing dalawa at all,” I said happily as I tapped my shoulder bag kung saan nakalagay ang checklists naming dalawa safely, “Remind me to make an offering sa templo natin bukas ng umaga.”
“Of course, teh! Sasamahan pa kita!” sagot agad nito sabay tingin ng malungkot sa batang kasama namin ng maka-abot na kami sa intersection, “Paano ba iyan, Mors? Hanggang dito na lang kami ha? Dumeretso ka agad sa inyo at ikwento mo lahat sa mga magulang mo ang nangyari.”
“Salamat na din kamo at nagka-anak sila ng gaya mo at nakapagligtas ka ng kinabukasan ng gaya naming mga patapon ng lipunan,” seryoso kong sabi na nagpangiti naman dito, “Or wag mong ikwento na nakilala mo kami kung hindi sila approved sa gaya namin ng kaibigan ko.”
“Naku, hindi sila nag dedescriminate, tingnan mo naman ang job ko. Isa ding patapon diba? Tiyak na matutuwa sila sa inyong dalawa. Bumisita naman kayo sa outskirts ng Libertad, may negosyo din kasi kami at baka mabigyan kayo nila mama at papa ng tips.”
Tumango naman kaming dalawa ni Wynda, “Oh siya, sige. Alam mo naman kung paano kami macocontact personally using our powers. Libre kami next month after naming makapag-apply ng mga business permits.”
Pero bago pa makasagot ito ay biglang may malaking pagsabog sa harapan namin at biglang nagliyab out of the blue ang gitna ng daan.
From the fires came out a very handsome yet playful looking man in his late twenties wearing a Pyromancer’s uniform.
Napa-atras kaming tatlo instinctively when he rushed to our direction ng mamataan niya kami.
Sino ba naman ang hindi?
Naguumapaw sa lakas ng aura ang lalaki at pakiramdam ko ay kahit pagtulungan naming tatlo ito ay isang pitikan lang kami ng walang kahirap-hirap.
“Anak ng pusa! Tapos na ba ang Applicants Charity Pit?!” malakas na bulyaw sa amin nito na mabilis na nagpatago kay Mors sa aking likuran sa sobrang kaba at hindi ko siya masisi dahil kahit si Wynda ay nanginginig na sa takot na nakahawak sa aking kamay.
Alam kong kahit poker faced ako ngayon, ang mga gaya ng nasa level niya ay halatang-halata kung takot ang kanilang kaharap o hindi.
The strong can easily smell the fear of the weak.
“Oo, kakatapos lang actually...”
Napamura ng malutong ang Pyromancer at nagkaroon pa ng malalakas na pagsabog sa paligid niya uncontrollably, “Syete naman oo! Sa dami-daming araw at oras na pwede ako ma-late, ngayon pa! Nyemas na buhay ito! Puro na lang sakit ng ulo ang nadating.”
I glanced at my companion meaningfully at dahan-dahan na kaming lumakad as quietly as we can palayo sa very dangerous yet surprisingly easily distracted Pyromancer na umaatungol sa inis continuously on his own.
Akala ko ay nakaligtas na kami pero halos panawan kami ng ulirat ng nakarinig kami ng malakas na pag-sabog at sa isang iglap ay nasa likuran na namin siya at umakbay sa aming dalawa ni Wynda while messing the hair of Mors na papaiyak na.
“Teka! Hindi pa ako tapos! Kayo naman! Nagmamadali ba kayo?” napakurap siya ng makinig niya ang last bell teleportation portal echoing throughout Libertad signifying na last ten minutes bago magsara for the day ito and he noticed our panic, “Ahh, pauwi na kayo. Figures. Let me guess, wala sa inyong kumuhang guild ano?”
Alam ni Wynda na naghahanda na ako ng isang dark based teleportation skill para sa aming tatlo as my final resort and it needed time and concentration for me to make it work kaya kahit takot na takot siya ay siya na ang nagsalita for the three of us.
“Naku, paano mo naman nahulaan?”
Napatawa na lang ng malakas ito kasabay ng maliliit na pagsabog sa paligid namin at nagsitakbuhan ang mga bystanders understandably.
Hindi talaga siya pwedeng basta-bastahin kung kaya niyang magpakawala ng mga skills through emotions at all.