"Welcome to the capital of Sapienos, ang Libertad. Sinasabing kahit ang capital city ng mga engkanto ay mas maliit kaysa dito," masayang wika ni Wynda habang naglalakad kami sa main avenue ng pinakamalaking syudad sa kontinente ng mga tao.
Ang pride and joy ng mga sinasabi nilang pinakamahinang nilalang sa mundo.
Libertad, sentro hindi lang ng Akimrea kundi ng buong kontinente namin.
"Ang pinangakong kapitolyo kung saan matutupad lahat ng pangarap ng mga tao," impressed kong sang-ayon sabay tingin sa sikipang mga streets at kanto kung saan napakadaming mga kagaya namin na naghahanap ng trabaho, guilds o mga nagbebenta ng mga souvenirs sa mga bagong dayo, "Or ang lugar kung saan magtatapos lahat ng pinaghirapan mo sa wala."
Napatawa si Wynda at tinikwas ang kanyang buhok, "Well, pumunta naman tayo ng walang ineexpect na magbabago sa ating malungkot na buhay, Vladira. Kahit pa wala tayong mahita dito ay same pa din ang buhay natin."
"True. Balik marquisate at mabulok doon habang buhay," simple kong sagot sabay tingala sa kalangitan kung saan napakadami ding iba't ibang nilalang ang nagsisiliparan, "Nakalimutan ko na neutral city nga pala ang Libertad. Makakapunta ang kahit sinong nilalang freely."
Bumuntong hininga ang nag-iisa kong kaibigan at nagkibit-balikat, "As long as hindi sila magkakalat. But let's face it, Vladira. Sa sobrang kalat na nating mga tao, hindi na nila kailangang mag-effort pa."
"Ano pa nga ba," naiiling na sagot ko sabay hinga ng malalim pagka-ayos ng aking wedge, "Well, simulan na nating mamigay ng mga resumes natin para naman makapagpapirma tayo ng attendance list natin."
Kinuha ko mula sa aking shoulder bag ang maliit na piraso ng papel na inabot sa amin ng aming deans after we graduated.
May labingdalawang linya dito at kailangan naming papirmahin ang mga receptionists ng bawat guild na aapplyan namin.
“So let me say this just to be sure na tama ang pagkakaintindi ko. It’s either may magmilagrong anghel at matanggap tayo or mapapirmahan natin tong labingdalawang bakante sa mga receptionists or guards para masabing nagtry tayo, right?”
Napabuntong hininga na lang ako at tumango as we looked at the nearest guildmanse kung saan napakadaming applicants ang nagkakalibumbungan, “Pretty much, Wynda. Simulan natin sa pinakaimposibleng guild ever.”
“Ahh, yes. Aindrac,” nakakalokong bulong ko that made my companion snicker, “The most famous, guild in Gaia that only accepts the best of the best, the cream of the cream of the crops and the most prestigious or influential applicants.”
Tumango si Wynda at nagsimula na kaming maglakad papunta sa dulo ng napakahabang queue ng mga fresh grads at slot hunters ang nakapila.
Slot Hunters nga pala ang tawag sa mga hindi naman newly graduate pero nag-aapply sa mga guild. Mostly mga nasa early twenties ang mga ito and malapit nang umabot sa age limit na twenty three years old before being barred from applying in guilds to give chance sa mga batang gaya namin.
If hindi pa din sila nakakuha ng trabaho sa isa sa ilang dosenang guilds ng Libertad, mapipilitan na silang kumuha ng normal na trabaho ng mga mortal.
Office workers, clerks, nurses, doctors and you know, the normal stuff.
Pero syempre iba talaga pag nakasali ka sa mga guilds.
You see, guilds are created and maintained, not to mention financially secured ng lahat ng mga bansa sa Sapienos bilang unang depensa sa mga kampon ng kadiliman.
Mga nilalang na galing ibaba, kalaban ng lahat ng namumuhay sa Gaia, tao man o hindi.
Magkaka-away man madalas ang mga tao at ang mga ibang naninirahan sa mundo, sa oras na may kampon na dadating para atakihin ang kahit sino man sa aming mga lahi, kami ay obligadong tumulong sa abot ng aming makakaya.
Sa kadahilanang ang mga tao ang pinakamahinang uri ng nilalang sa Gaia, umasa ang mga ninuno namin sa samahan ng mga natatanging mortal na may angking nakaka-angat na kapangyarihan na kayang kontrolin ang isa sa siyam na elementong bumubuo sa aming mundo.
Earth represented by the Geomancy job at natural na elemento ng mga higante.
Water represented by the Hyromancy job at natural na elementro ng mga diwata.
Fire represented by the Pyromancy job at natural na elemento ng mga dwende.
Wind represented by the Hazemancy job at natural na elemento ng mga kapre.
Light represented by the Photomancy job at natural na elemento ng mga tao.
Lightning represented by the Electromancy job at natural na elemento ng mga lambana.
Thunder represented by the Noicemancy job at natural na elemento ng mga tikbalang.
Ice represented by the Glaciemancy job at natural na elemento ng mga engkanto.
Finally, ang dark represented by the Necromancy job at natural na elemento ng mga nuno.
Wala man ang tao na sagad lakas ng ibang mga immortal na nilalang at buhay na walang katapusan at naikot lamang sa pagkabata, meron naman kaming diversity.
As blessed by the god above, wherever he really is, kinulang man kami sa lakas, dami o buhay magpakailanman, binigyan naman kami ng kapasidad na kontrolin ang isa sa mga elemento na kaya ng ibang mga nilalang sa amin maliban pa sa liwanag na pinagkatiwala sa amin ng taas.
We cannot change the element that we recieved when we are born. Kung pwede nga lang eh ayaw ko nitong nakuha ko.
Bakit ba kasi nakuha ko din ang elemento ni tatay at hindi ang liwanag ni nanay.
Ibang-iba siguro ang buhay ko ngayon.
I mean just look at that woman in a Photomancer Job clothes na tinutungahan namin ngayon bilang pag-galang sa kanyang posisyon.
Kahit pa sabihing light ang naka-atas na elemento sa aming mga tao, wala pa ni isang porsyento ng taga Sapienos ang nakakagamit nito pero pihadong makapangyarihan, tinitingala at iginagalang ng mga tao.
Ngayong henerasyon namin ay wala pang anim ang Photomancers sa buong sangkatauhan.
Parang buhay na santo at santa sila kung ituring and I myself and blessed na ang nanay ko ay isa sa kanila noon.
Yes noon bago sila mamatay ni tatay sa isang laban against sa mga kampon ng kadiliman.
In her generation, tatatlo lang sila ng nanay ko na Photomancers and so much expectations are piled up on them, hindi na kinaya ng nanay ko at nag-resign na siya sa kaniyang guild at hindi naglaon, nakilala nya ang tatay ko.
Ang nagsosolong Necromancer ng kaniyang henerasyon.
Understandably, walang guild na gustong ipasok ang isang may hawak ng same na kapangyarihan over darkness like the suspicious elves and the forces of evil.
Kaya nagtrabaho siya bilang mercenary.
Upahang member ng mga guilds pag kulang sila sa tao or hindi nila afford i-send sa isang suicidal quest ang kanilang mga tauhan pero ayaw nilang may ibang samahan na makalamang sa kanila in prestige and fame.
Bayarang hitman, a life of solitude and miserable existence.
Nagkakilala sila ng nanay ko sa isang mission and the rest is history.
Truly, light attracts darkness and the opposite can happen as well.
Isang napakalaking dagok sa sangkatauhan ang pagkawala sa aktibong serbisyo ng isa tatatlong Photomancers who commands the very light of god himself from the heavens above.
Sinisi nila ang tatay ko, lalo na’t isa siyang sikat at nag-iisang Necromancer. Sinasabotahe daw nito ang buong sangkatauhan sa ginawa nitong pakikipagtanan sa nanay ko.
But even against all odds, criticisms and guilt-tripping, pinaglaban nila ang kanilang pag-ibig until the very bitter end.
A very strong force of evil materializes sa marquisate na tumanggap sa kanila and they sacrificed their lives to defeat it and spare the people who accepted them.
To save me and Wynda as well.
In their last breaths, pinagkatiwala ako ng mga magulang ko sa aming mga taga marquisate at tuluyan na nga silang lumisan.
Though they are wishing that I inherit the power of the light, hindi pa din nila ako itinakwil kahit naglabas ako ng kapangyarihan over the dead and death when I was at grade school.
Prinotektahan nila ako at itinago sa mga nagbabalak pagkakitaan ang aking kapangyarihan.
Sabihin na nating sinusuka ng madla ang Necromancers, even those hypocrites can’t deny that our powers are even more than mere Photomancers that they so deifies.
Pinag-ambangan nila akong pag-aralin sa college para mas mahasa ko pa ang aking kapangyarihan to its fullest.
And so here I am...
Nagbabakasakali kahit alam na nila na walang tatanggap sa akin gaya ng tatay ko na sumubok na din at nabigo when he was at my age. Naikwento kasi ni tatay ang buhay nya sa aming mga kapitbahay na thankfully ay pinamana sa akin kaya hindi na ako nagtataas ng expectations.
Pero seriously, namatay si nanay when I was around six years old at wala akong memory na may ganto syang ka-inartehan gaya nitong buwisit na Photomancer na napadaan sa amin ni Wynda habang nakapila kami sa tagiliran ng dadaanan niyang red carpet.
“Kaya pala may amoy ako na naaagnas na bangkay. Nandito ang nag-iisang spiritualist,” napataas naman ang kilay ni Wynda at napahawak sa kanyang dibdi as she didn’t went unscathed kahit nananahimik sya sa tabi ko, “At may ilusyunada na kasama. Oh, I apologize, Illusionist.”
Mabilis na lumabas ang dalawang Geomancers na tumatayong bouncers sa pila at humingi ng tawad sa depusang Photomancer na akala mo ay hihimatayin sa panghihina dahil nakita lang kami na nakapila sa harap niya.
“We’re sorry, Your Eminence!”
“Papalayasin agad namin sila! Saglit lang po!”
Akmang ipagtutulakan kami ng dalawang berdugo na ito pero mabilis pa sa alas-kwatrong itinaas ni Wynda ang aming checklist sa pagmumukha ng mga ito at ngumisi ng nakakaloko.
“Look, lalayas kami pag napirmahan ninyo na ang listahan namin. No need to get physical. This doesn’t have to be scene, unless ang pinakasikat na guild sa Gearth ay hindi marunong sumunod ng basic application process? In case nakakalimutan ninyo lang naman, illegal ang magpalayas ng aplikante kung wala naman ginagawa sila kundi pumila ng tahimik.”
Mukhang nahit ng kaibigan ko ang jackpot dahil bwisit na bwisit at gusto kaming murahin tiyak ni banal-banalang depusa na ngayon ay tumahimik na lang unless masira ang kaniyang holier than thou na drama.
“If that is the only way for peace to be upheld then so be it. Sign them and send them off.”
“Wala naman kasing gulo talaga dahil kanina pa kami nandito at wala naman nagrereklamo na may nangangamoy. Napansin mo lang kami kaya nagka-issue, Your Holiness,” pointedly na sabi ni Wynda sabay kuha sa aming listahan na napilitang pirmahan ng isa sa mga bouncers ng Aindrac, “Salamat ng madami mga kuya! Oh, kayo mga pobreng kasama namin sa pila, sana mangamoy din kayong bangkay para mabilis kayong maka-arangkada! Charot!”
Nagtawanan ng mahina ang mga ito dahil kahit pa dalawa sa pinakasusurahang jobs ang hawak namin ng kaibigan ko, wala naman talaga kaming ginawang mali kanina pa dahil nananahimik kami sa pagpila at ayaw makakuha ng unwanted attention.
Oh well, perks of being a Spiritualist and Illusionist, I guess...
-0-
“Ay grabe bwisit! Napagsarhan pa tayo nung huling guild na nagpapapila ng aplikante! Dami kasing dada nung receptionist ng Allscars, papapirma lang naman tayo sa ating checklist bat kailangan pang tumawag ng pulis? Kaloka!”
Tumango ako ng malungkot kay Wynda at tiningnan ang aming listahan sa aking mga kamay na iisa na lang ang linyang walang pirma.
“So ano na ang balak naten, Wynda? Hindi naman tayo pwedeng umuwi ng kulang ito. Unless balak mong sa normal employers tayo mag-apply. Mas lalong wala tayong pag-asa doon,” I asked worriedly sabay alala sa nag-aabang na kakahantungan namin kung hindi namin makukumpleto ang requirements na ito.
Wala kaming makukuha na unemployment voucher from the government kung wala kaming patunay na sumubok kami maghanap ng trabaho pero wala talaga.
Once na-approved ang application namin for subsidy, makakatanggap kami ng monthly ayuda na pera mula sa gobyerno katumbas ng one fourth ng sasahurin namin sa pinakamababang guild monthly as if we are employed.
Hindi na din masama at balak naming gamitin pangpuhunan para sa isang maliit na negosyo sa aming marquisate.
Iisa lang kami ng pinanggalingan ni Wynda at naabutan din niya sila nanay at tatay noon.
They are the ones who encouraged her to embrace her inborn talent in making her mere fantasies into reality.
“Well, it’s already four in the afternoon at sarado na ang mga guildmanse for applications. Uwian na lang ba tayo, Vladira?”
Bumuntong hininga ako at tumango sabay tingin sa papalubog na araw sa kalangitan, “Well, wala na din naman mangyayari kung tutunganga tayo. At least kung uuwi na tayong luhaan ngayon, makaka-abot pa tayo sa last warp ng teleportation portal.”
“True. Tara na, girl, makahiga man lang sa sarili nating mga kama later at iiyak ang ating kapalpakan!” malungkot na wika nito sabay angkla sa aking braso as we begin to walk back to the city gates kung saan nandoon ang teleportation portal.
“Ano pa nga ba?”
Tumayo na kaming dalawa sa kinauupuan naming bench sa parke malapit sa huling guild na sinubukan naming papirmahan pero sa kasamaang palad nga, hindi na umabot ang pila namin sa cut-off.
“Kulang din ba kayo sa checklists ninyo?”
Napalingon kami sa aming kanan at nagulat kami ng makita namin ang tumawag sa aming atensyon.
Isang napakagandang-lalaki na bata around twelve or maybe thirteen years old max ang nakatingala sa amin.
His head barely reaching our shoulders, he is quite small and very, very cute.
Sa kinis pa lang ng malasutla nitong dark na balat, halatang alagang-alaga ito ng kaniyang mga magulang at kahit ako, kung ako magulang niya ang dadaaan kayo sa malamig kong bangkay bago nyo makanti ang katulad nito.
Kahit may kabataan ay maganda ang pangangatawan nito at halata sa magandang hugis ng mga braso at binti nito na pihadong araw-araw ay nag-eexercise.
Pero ang pinaka-nakakaagaw ng pansin para amin ay ang mukha at buhok nito.
His face is that of the god’s angels themselves.
Round and very innocent silver eyes that matches his messy matt of platinum blonde hair na nakadagdag lang sa kaniyang kagwapuhan.
His jaws are very defined and manly for his age that compliments well his short pointed nose and pink thin lips sprinkled with specks of freckles to drive the point that he is really a god’s gift for mankid to marvel at.
Never akong natuwa sa hitsura ng ibang tao since as an aspiring Necromancer, mga mukha lang ng bangkay at multo ang nakakakuha ng aking atensyon.
Pero for the first time in my life, literal na laglag panga ako ng ngumiti ito ng matamis sa amin na nagpalabas ng kanyang cute dimples sa magkabila ng kaniyang mamulamulang mga labi.
“Girl, parang delikado tayo dito,” malakas na bulong ni Wynda sa akin na nakinig naman ng bata sa harap sa amin na nagpakunot ng kaniyang noo, “It’s either nangungulit na cherubim yan o anak ng engkanto and goodness knows I prefer the peace and quiet of death kesa makakuha ng parusa ng galit na engkantado o engkantada.”
Napatango ako at napalunok ng maalala ang isa sa mga basic na tinuturo sa aming mga mortal in our very first year at our schools.
Huwag makipaglaro sa mga bored na cherubim dahil puro gulo lang at walang katapusang sakit ng ulo ang aabutin mo at lalo’t higit na pakakatandaan na iwasan ang mga batang anak ng mga enchanteds.
The more beautiful and adorable they look, the more dangerous and protective their parents are.
“True, girl. Pretend we are dumb at wala tayong nakita,” I suggested quietly na tinanguan naman agad ng aking kasama at lumingon na lang kami sa kabilang direksyon at nagsimulang maglakad palayo and prayed na lubayan na kami.
Pero laking gulat namin ng tumakbo ito at humarang sa aming lalakaran at kinagat ang kaniyang hintuturo para ipakita ang pulang-pulang dugo na umagos mula doon, “Tao ako. Normally, hindi ko na pagkaka-abalahan na paliwanagan o pakitaan ng dugo ang mga hindi namamansin sa akin at the first try pero I am desperate enough to beg for your attention so please, pansinin ninyo ako.”
“Look, bata. Hapon na at mapagsasarhan na kami ng teleportation portal pauwi. Pwede iba na lang kalaruin mo?” nakangiti kong tanong sabay gamit ng basic na kapangyarihan ng Spiritualist, “Death’s Miasma.”
Napalibutan ako ng nakakasulasok na aura ng kamatayan enough to scare even the bravest of the men and women I met in my life in a single cast.
Kahit si Wynda ay tumulong na din para makaraos na kami sa bwisit na maghapon na ito ng matiwasay at the very least, “Seventh Dilussion.”
Her own body was enveloped with a hazy purple smoke showing various confusing visions and apparitions enough to drive any normal people away.
Pero laking gulat naming dalawa ng kaibigan ko ng ngumisi lang ang gwapong bata at walang hirap na tinanggal ang aming ginawa in mere two sentences, “Death’s Silence. Clairvoyant Reality.”
“Aba teka, paano mo nagawa iyon?!” naeskandalong reklamo ni Wynda na nginitian lang ng matamis ng binatilyo, “Hindi ka naman Ilussionist!”
I looked at the young boy from head to foot at ngayon ko lang napansin na nakasuot lang ito ng itim na tanktop at puting army combat shorts and boots.
Naka scarf ito ng puti and something hit me when I remembered something I have read in passing sa library noong wala akong magawa.
“Neomancer...”
Ngumiti ng matamis ang bata at nag double tumbs-up pa sa akin when I mentioned it quietly, “Well, not yet. Apprentice pa lang ako. But sana, maabot ko ung level na iyon in the future.”
Napasinghap si Wynda at napailing repeatedly as if hindi siya makapaniwala sa aking sinabi before giving a renewed look sa nakaharang sa amin.
Kung sobrang rare na ng mga Photomancers, even more so ang mga Necromancers na isa lang per generation ang lumalabas, Neomancers are a different league of their own.
Once every few lifetimes lang may naitatalang Neomancer at sobrang tagal na ng kahulihulihan.
Neomancers wield the power above all like the angels.
Meaning, kahit anong elemento, jobs at spells, magagawa nila.
Though not at the same extent as the ones who focus solely on one element. They are trully the jack of all trades, master of none.
Pero patama din ang mga Neomancers.
Patama in the sense na either napakalakas nila or walang kwenta sa labanan at all kaya wala masyadong napansin sa kanila unless may napatunayan na sila sa kontinente naming mga tao.
Ang hindi lang talaga maikakaila ay ang mala-anghel na mukha ng mga ito.
Sinasabing ang mga anghel mismo ang naglagay ng espirito ng sanggol sa sinapupunan ng ina kaya nabiyayaan hindi lang ng kanilang kapangyarihan kundi pati na rin ng kanilang walang kapintasang kagandahan.