Dear Morthea,
Kung nababasa mo ito, it can only mean one thing. I’m already dead. Yes, natuluyan din ang pariwara mong kakambal.
Finally, wala na din ako sa buhay mo at malaya ka na.
Anyways, as I am writing this comically morbid letter, malapit ko nang matunton kung nasaan ang best friend natin.
Tama nga tayo in the end.
Kahit wala halos tayong pagkakapareho at laging magkaiba ang ating pananaw sa buhay, at patay, we can at least agree on one single thing.
Ang kababata natin na nawala sa ating tabi.
Sa tulong na din ng mga ka guild ko at ng ibang mga samahan na nawalan, natuklasan din namin, albeit in utmost secrecy kung saan nila dinadala ang mga kinikidnap nila.
It is located, not surprisingly, sa isa sa remote training facility ng isang grupo na hindi ko papangalanan just incase mapunta sa ibang tao ang sulat na ito, but I trust you already know who or what I am talking about.
Sinasabi ko na nga ba at pera, hindi ang puso ang pakay ng nakakasuklam na lalaking iyon sa ating kababata. Pero ginawa ko naman ang lahat, Morthea.
Alam na alam mo na kahit hindi ako sing lakas o galing mo, pinilit ko sa abot ng aking makakaya na mapagsabihan, mapaalalahanan at mapayuhan siya, pero hindi siya nakinig.
Akala niya, ayaw ko siyang maging masaya. Na wala akong ibang gusto kung hindi ay sarilinin siya at pigilan siyang maging malaya.
Oo, siya ang dahilan kung paano ako nakatakas sa iyong impluwensya na hindi naaayon sa kagustuhan ng lipunan. Binigyan niya ako ng bagong buhay, ng pag-asa, na maaari akong makihalubilo sa iba ng hindi nila pinandidirihan o kinakatakutan.
Sa pag-galang ko sa mga nagawa niya sa akin, hindi ko na nagawang sabihin na kung sa pagkukulong din ng iba, isa na siya sa mga matitindi ang pagkakasala dahil bukod sa pinakawalan niya ako mula sa iyong presensya, ikinulong ka niya at nagpanggap na parang wala ka.
Alam ko na malaki ang lungkot na nadama mo sa pagtatraydor niya na iyon sa iyo, Morthea.
Pero alam ko din na kahit ganoon pa man, pagmamahal at pag-aalala ang nananaig sa iyong mga puso para sa ating kababata.
Hindi ko na i-eexpect na mabubuhay pa ako sa oras na solo kong sundan ang kaniyang mga bakas na halos maglaho na.
Kailangan kong malaman ang katotohanan at kung ang kapalit ng katotohanan ay ang buhay ko, then so be it. I will gladly pay the price for any chance of saving her.
You know how that “organization” has vilified our guild for almost two years now. While not outright blaming us, lagi silang nagpaparinig na kami lang ang hindi nawalan knowing full well ngayon na parte pala ng plano nila ang lahat.
Ang lokohin ang ating kababata at palabasain na umalis siya sa aming samahan out of free will and not being severely misguided by a fool who clearly only wanted her for money.
We still don’t know what the heck are they doing with those missing members pero nakapag-isip na kami ng ilang educated guests.
They are targetting the finest of each job from the top guilds.
Geomancer, Hydromancer, Pyromancer, Hazemancer, Photomancer, Umbramancer, Electromancer, Noicemancer, and Glaciemancer.
One of each element and the best we can produce on top of it.
Matagal nang may bulung-bulungan sa kakaibang lakas ng kanilang samahan way beyond the knowable limits of mere mortals. Pero ilang beses na silang inimbestigahan at walang nakitang mali ang Council of Mortals.
Though once every few years, curious cases of kidnappings, missing-in-actions, and unexplainable disappearances continued to haunt the six of the eight elite guilds of Sapienos.
Iyong samahan ko lang ang hindi nawalan at ang grupo na iyon ang laging nagrereklamo.
Until now, that is.
At ang hula ko, ang kababata natin ang isa sa pinaka-target nila sa amin.
Isa na ako doon, pero alam nila at alam mo din, na hindi ako basta-basta maitutumba o mahuhuli.
Ang kababata natin on the other hand...
Well, I would do anything and everything in my power to get her back, Morthea. Iyan lang ang maipapangako ko at kung nababasa mo ang liham kong ito, it’s either I succeeded or died trying.
Kung nagtagumpay ako, please do take care of her for me. She is all that I, no, we have in this sorry life of ours. Kahit ayaw niya, kahit hindi siya pabor, you must watch over her from afar, in the shadows if needed be.
Kung namatay man ako at nabigo na mailigtas siya, then I guess that’s what I get for being such a failure compared to you.
Ipagdasal mo kaming dalawa na sana, magkasama pa din kami sa kabilang buhay at nag-iinisan.
Also, this letter serves as a legal last will and testament at kalakip nito ang istorya ng buhay ko leading up to the very moment I wrote this letter.
I, the Sixty Sixth Marchioness Thanasia of the Marquisate of Sabayat, in the event of my death without an heir, bequeath all my fortunes, my lands, assets, family jewels, and possesions to my twin sister, Morthea Thanasia, Lady of the Marquisate of Sabayat.
I am also giving her my slot at my guild as my sole remaining blood relative should the unthinkable happen. Her words will be my own.
Ito ang una at huling beses na magsusulat ako sa iyo at kalakip ng liham na ito ay ang nag-iisang larawan na meron ako na magkasama tayong dalawa.
Magsilbing ebidensya nawa ito sa aking mga ka-guild na ikaw at ako ay iisa ng pinagmulan.
Magkaiba lang ng pinatunguhan.
I died, you lived.
It may be the end of my story, but merely the start of yours.
Huwag mo na akong ipaghiganti, but if ever we lost her, avenge our beloved friend.
Make them pay for what I am just dreading they are doing at her at this very moment.
Ipadama mo ang walang pagsidlang poot at galit on my behalf and make sure they will rue the day they dare to cross us.
Slowly, painfully, ever hauntingly, ipadama mo na iisa-isahin mo ang lahat ng may kagagawan nito at panagutin sila in the most horrible way possible.
Kaya ko sinulat ang liham na ito ay dahil alam kong malaki ang tyansa na hindi na ako makabalik ng buhay.
Hindi alam ng mga kasamahan ko na susugod akong mag-isa, or rather, I will use myself as bait to lure out the people that took our precious childhood friend away from us.
Hindi nila ako kayang balewalain.
They are still lacking only one element in their collection and I am the missing piece they can’t possibly ignore.
Pero ipapangako ko sa iyo na gagawa ako ng malaking kalat na hinding hindi nila malilinis.
After all, aren’t we spawn of the darkness good at making a mess out of anything and everything unlucky enough to incur our wraths?
Sabi nga ni tatay, diba?
“Kung hindi mo sila kayang talunin, magkalat ka ng sobra, patay ka na, hindi pa nila nalilinis ang iniwan mong dumi.”
And that’s what I exactly plan to do, my dear.
You will know who they are, I will leave stains on their pure facades the dead can sniff their prey.
Count on it.
Lovingly yours,
V. T