Chapter 2

1048 Words
Excerpt of Chapter II Ang Mga Anghel (The Angels) Page 324, Paragraph I Dati ay may sampung arkanghel na may labindalawang dilaw na pakpak na nilalang ang amang Diyos. Sila ay sina Zaphkiel, Jophiel, Metatron, Camael, Haniel, Zadkiel, Raphael, Michael, Lucifer at Gabriel. Sila ang mga unang anghel na ginawa ng Diyos para tulungan syang protektahan ang mga tao. Hindi nagtagal ay gumawa muli ang Diyos ng mga panibagong anghel na nagtataglay ng sampung perlas na pakpak. Dalawampung mga magagandang anghel na magsisilbing kanan at kaliwang kamay ng mga nauna sa kanila. Kabilang dito sila Ultima na kanang kamay ni Gabriel at si Beelzebub na kaliwang kamay ni Lucifer. Subalit nakita ng amang Diyos na hindi parin sapat ang bilang ng kanyang mga anghel para alagaan ang mga tao sa mundo. Kaya gumawa siya ng dalawang libong mga anghel na may walong puting pakpak. Higit na mahina ang mga ito sa mga nauna pero mas madami naman. Sila ang nagsilbing mga tauhan na nasunod sa anumang naisin ng mga Arkanghel para sa kapakanan ng tao. Habang dumadami ang mga tao ay patuloy din sa pag-gawa ng mga panibagong anghel ang mapagmahal na Diyos. Mula anim hanggang dalawang puting pakpak ng mga magaganda at matitikas na anghel ang sumunod pa at lumagpas na ang dami ng mga ito sa dami ng mga buhangin sa dagat o mga bituwin sa kalangitan. Maayos na sana ang lahat subalit... Si Lucifer, ang pinakamaganda sa lahat ng mga anghel ay nag-rebelde sa amang tagapaglikha. Isinama niya sila Zaphkiel, Jophiel at Haniel sa kanyang paglaban sa maykapal. Pati ang mga anghel na nasa ibaba nila ay lumaban para sa kanila. Pero hindi kailanman magtatagumpay ang sinoman laban sa makapangyarihang Diyos. Si Gabriel at ang mga natitirang mga anghel na patuloy na nananalig sa poong lumikha ang lumaban kila Lucifer ng buong tapang. Mabilis na natalo ang tampalasan at itinapon siya mula sa langit kasama ang kanyang mga alagad sa ilalim ng lupa na hindi nagtagal ay tinawag ng mga nilalang ng Diyos na impyerno. Simula noon ay wala nang nangahas na lumaban sa Diyos. Pero meron paring mga anghel na matitigas ang ulo. Isang malaking pangkat ng mga anghel mula sampu hanggang dalawang pakpak ang inutusan ng Diyos na gumawa ng isang lugar para sa mga sumalangit na tao. Mabilis nilang sinunod ang utos at walang tigil silang gumawa. Subalit ng tawagin sila ng Diyos para sa isang salu-salo ay hindi sila tumugon. Mas pinili nilang magtrabaho. Nagalit ang ama at pinalayas sila sa langit at itinapon sa ibabaw ng lupa at nabuhay bilang mga immortal. Mga nilalang na walang kamatayan. Nawala ang kanilang mga mapuputing pakpak subalit nanatili ang kanilang mga kapangyarihan. Sila ang mga naging unang engkantada, dwende, diwata, lambana, higante, kapre, tikbalang, elf, at leprechaun.  Excerpt of Chapter III Sampung Kontinente (Ten Continents) Page 424, Paragraph I Tulad ng mga tao, nagsarili ang mga magkakauri at bumuo ng kanya-kanyang kaharian at naghati-hati sa sampung kontinente ng Gaia. Ang pinakamalaki ay ang kontinente ng Sapienos na nasa gitna Gaia kung saan nakatira ang mga tao na binubuo ng samahan ng limang bansa. Ang engrandeng Kaharian ng Tribon sa hilaga kung saan ang matandang si Reyna Zabel ang kasalukuyang nagre-reyna.  Ang mga bansa ng sangkatauhan sa Gaia ay nagkakaisa sa pamamahala ng Akimrea sa isang organisasyon na kung tawagain ay Unyon ng Mortal. Ang pinakamalaking pagkakaiba ng tao sa mga anghel na bumagsak sa Gaia ay ang kanilang maiiksing buhay. Umaabot lamang hanggang isang daang taon ang kanilang panahon sa Gaia subalit sa lahat ng mga nilalang sa ibabaw ng lupa ay sila lamang ang may pagkakataon na pumunta sa langit pagkatapos nilang mamatay kung naging mabuti sila o sa impyerno naman kung sila ay nagpakasama. Bagamat wala silang malakas na kapangyarihan at walang hanggang buhay, ang mga tao naman ay biniyayaan ng poong maykapal ng kakayahan na gamitin ang kapangyarihan ng spiritual na lakas para kontrolin ang mga elemento sa paligid nila. Nagkaroon ng iba’t ibang klase ng propesyon base sa mga spiritual na kapangyarihan ng isang tao. Ito ang kanilang ginagamit para kahit papaano ay makalaban sila sa mga immortal ng halos kapantay ng kanilang lakas. Madalas na minamaliit ng mga immortal ang mga tao at ilang beses na ding tinangkang sakupin ng iba’t ibang lahi pero dahil sa may angking pagkakaisa ang mga taga Sapienos ay ni minsa’y hindi pa nagtatagumpay ang mga ito kahit pa mas malalakas at makapangyarihan ang mga ito. Kasalukuyang nasa isang gyera laban sa isang kaharian ng kapre. Ang Encanteria, ang pangalwa sa pinakamalaking kontinente sa Gaia ay nasa hilaga naman ng Sapienos. Kadalasa’y malamig dito at laging naulan ng nyebe. Dito nakatira ang sinasabing mga pinakamagaganda at pinakamakapangyarihang nilalang sa lahat ng namumuhay sa Gaia, ang mga matatangkad na engkanto. Dati ay madaming magkakahiwalay na mga kaharian na nagkalat sa Encanteria. Ngunit higit limang daang taon na ang nakakaraan ay isang reyna ang nagbuklod sa watak-watak na mga kaharian at pinagsama-sama ang mga ito sa ilalim ng kanyang pamumuno. Hindi naglaon ay naitatag ang Imperyo ng Tundria kung saan ang Emperatrist na si Iseria ang babaeng nagtatag at kasalukuyang namumuno ng may bakal na kamay sa mga engkanto. Ang Imperyo ng Tundria ang kaisa-isang kinikilalang liga ng mga kaharian sa Encanteria. Lahat ng kanilang ginagawa, kayamanan at buhay ay para lamang sa Reyna Emperatrist. Ang mga engkanto ay likas na mapagmataas dahil na din sa kanilang kakaibang ganda at lakas subalit nagawa parin silang masakop ni Emperatrist Iseria. Mapanghalina at kahanga-hanga ang angking hitsura at lakas ng mga ito. Walang katapusan ang kanilang buhay maliban na lamang kung sila ay tahasang lusawin. Hindi nakikipag-alyansa ang mga engkanto sa mga mas mahihina sa kanila o sa mga kaharian na hindi nila mapapakinabangan. Subalit labing-anim na taon lamang ang nakakaraan ay isang nakakagimbal na desisyon ang ginawa ni Emperatrist Iseria. Nagdeklara sya ng kapayapaan sa Unyon ng Mortal at nangakong hindi na muling aatake dito kapalit ng hindi rin paglusob ng mga tao sa Imperyo ng Tundria. Isang nakakapagtakang desisyon sapagkat ang mga engkanto, kasama ang mga kapre at dwende ay ang mga lahi na pinakamatinding kaaway ng mga tao. Walang nakaka-alam kung bakit biglang nagbago ang pananaw ng Emperatrist. Kasulukuyang pinag-aaralan pa ang nasabing desisyon hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD