Gusto kong kauspin si Marco. Gusto ko ng closure para sa aming dalawa. Hindi naman totoong kami pero gusto ko lang maging malinaw ang lahat sa amin bago kami magtuloy sa susunod na kabanata ng aming mga buhay. Isa pa ay naging ok naman kami ng mga huling sandali ng aming pagsasama. Gusto kong matapos na ang mga bumabgabag sa aking isip at ang mga alalahanin ko. Nasaktan man ako sa mga paratang niya nang madatnan nya kami ni Gio ay isinasaalang alang ko rin naman ang pagiging mabuti niya sa akin ng halos dalawang buwan. Hindi ko pa alam kung paano makakausap ang lalaki. Iniisip ko pa paano ito I-approach. Sa kwarto na ako ni Mikee mag s-stay. Gusto nyang magkasama kami kaya nilipat ko na ang iba kong gamit sa kwarto niya. May mga natira pa akong gamit doon sa mansyon at ang ibang nasa bah

