Bumalik na lang ako sa kwarto ni Mikee. Tulog na tulog pa ang lalaki na tinabihan ko at niyakap ko mula sa kanyang likuran. Masayang masaya rin akong kasama ko na ang lalaking mahal ko. Dapat naman na maging masaya na ako dahil hindi ako sinaktan kahit kailan ni Mikee. Sa palagay ko ay magiging ok na ang lahat at lalo na sa amin ni marco. Mas magiging ok na siguro kami sa ganitong sitwasyon. Malaya na sya. Yun ang noon nya pa gustong mangyari. Akala ko magagalit pa sya pero masaya naman pala syang single na ulit sya. Nakakainis na ewan. Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipaghanda silang lahat ng almusal. Ininit ko ang natirang sopas ng nagdaang araw at nagluto ako ng tapsilog. Dapat lalo akong mag-effort para sa pamilyang ito. Dapat maging masaya na ang lahat at di na hahayaang ma

