“Masugid ang manliligaw mo ha,” tukso nanaman ni Jade sa akin. “Nachachallenge lang yan at magsasawa rin yan,” sagot ko sa babae. “Pakipot ka yata. Pero tuloy mo lang para malaman mo kung talagang gusto ka nya. Tsaka pinahirapan ka noon, pahirapan mo ngayon,” natatawang saad ng loko kong kaibigan. I served the coffee that Marco ordered. Syempre may kasamang sandwhich. “Bago to?” tanong ng lalaki nang makita ang sandwhich. “Oo. Bago sa menu. Try mo and tell me kung anong lasa?” “Mukhang masarap. Sure naman na masarap kapag ikaw ang gumawa,” dagdag bola nanaman nito. “di ba, sabi ko hwag mo na akong sunduin?” kumpronta ko sa lalaki at naupo sa tabi nito. “I’m here for a coffee at magtatrabaho ako sa laptop ko. Di ba ako pwede dito? Customer naman ako.” maangas na sagot nito. Oo nga n

