Maaga kaming umalis ng bahay para makapasok sa trabaho kinabukasan. Binaba lang ako ni Marco sa shop saka sya nagdiretso sa opisina niya. Siniseryoso ang pagdistansya. Gabi na bumalik ang lalaki para sunduin ako. Di naman nagyaya na kumain sa labas kaya sa bahay na lang kami kumain ng hapunan. Pagkatapos ay nagpaalam na itong matutulog. Humalik sa aking noo bago sya umakyat sa kwarto niya at naiwan pa ako sa kusina. Hatid sundo ako ng lalaki sa shop pero di kami gaanong nag-uusap. Nagkakamustahan lang tapos tatahimik na sa loob ng sasakyan. Sabay kakain ng dinner pero wala rin masyadong kwentuhan. Tinatanong ko sya pero maiksi lang ang mga sagot niya. “Busy sa work?” tanong ko sa lalaki. “Oo.” Tanging sagot niya May bagong menu sa shop. Gusto mong tikman? Tanong kong muli. Sige. Ma

