Pagdating ko sa office ni Roi ay naabutan ko ang isang babae na nakaupo sa mesa ng asawa ko. Biglang nag init ang ulo ko at gusto ko saktan ang babaeng kasama ng asawa ko. Pinipigilan ko lang. "Babe!" tawag agad ni Roi sa akin at lumapit agad siya. "Sino 'yang babaeng 'yan?" mahinang tanong ko sa kanya dahil ayaw ko mag eskandalo rito. "B-Bago kong secretary, babe." Nauutal niyang tugon sa akin. Wait, bakit nauutal si Roi? "Ako nga pala ang asawa ni Roi." Sabi ko sa babae at inirapan lang ako. "Asawa ka? Bago ako rito." Walang asin niyang sabi. Kulang ito sa asin, hindi marunong gumalang. "Pakilabas na 'yan, bago ko pa masaktan 'yan." Mahinang sabi ko kay Roi. Kaya naman senenyasan siya ni Roi na lumabas at muli na naman siyang umirap. "Damn her! Wala siyang respeto! Fired her,

