WARNING: R-18 Dalawang buwan na ang makalipas simula nang mawala ang anak ko. Masakit pa rin sa akin pero tuloy lang ang buhay. Pinagsisisihan ko rin na sana hindi ko na nakilala si Enrico. Sinisisi ko rin ang sarili ko. "Babe?" tawag sa akin ni Roi habang busy ako nanunuod ng TV. "Yes, babe? Bakit?" tanong ko kahit nakatingin ako sa TV. Ang ganda kasi ng pinapanuod ko. "Hindi ka ba sasama sa company?" muli niyang tanong habang sinusot ang kanyang necktie. "Next time na lang, okay lang ba?" malambing na sabi ko dahil wala ako sa mood lumabas. "Sure, babe. Wala kang lakad ngayon?" Nakakunot na noo niyang tanong. "Wala naman, wala lang ako sa mood lumabas." Sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. "I'll have to go," paalam niya at tumango lang ako na hindi siya tin

