Dumating si Crane ng alas-otso ng umaga, Saturday morning. Kinuha ko siya sa airport. Pagkababa na pagkababa niya, niyakap niya ako nang napakahigpit—iyong klase ng yakap na tila ba ayaw ka na niyang pakawalan, iyong yakap na nagsasabing hindi ka na mag-iisa sa laban na ito. "I'm here," bulong niya sa tainga ko, at doon pa lang, naramdaman ko ang unti-unting pagpapakalma ng nagwawala kong sistema. "I'm not leaving." Umuwi kami sa condo pero hindi kami masyadong nag-usap. Hindi kailangan ng maraming salita. Humiga lang kami sa kama, magkayakap sa gitna ng katahimikan, pinapakinggan ang t***k ng puso ng isa't isa na tila ba iyon na lang ang tanging totoo sa mundong ito. Dumating ang alas-dos ng hapon. Nag-ayos ako—isang simple black dress, minimal makeup, at hinayaan ko lang na nakab

