Tatlong araw na akong hindi makatulog nang maayos. Bumalik na ako sa trabaho, pero para na lang akong robot na naka-autopilot. Nag-draft ng plans, nag-attend ng meetings, at tumatango sa bawat direktiba ni Ms. Thornton—pero ang totoo, ang utak ko ay naiwan doon sa folder na nakalatag sa coffee table ng condo ko. Anastasia Victoria Ashford. Paulit-ulit kong binabasa ang pangalang iyon sa birth certificate. Sinusubukan kong i-connect ang bawat letra sa pagkatao ko, pero parang may error. Parang hindi ako. Parang ibang tao ang tinutukoy ng dokumentong iyon. Isang Huwebes ng hapon, habang lunod ako sa pag-rereview ng structural plans sa desk ko, lumapit si Sarah—isa sa mga senior architects. Bakas sa mukha niya ang kaba at pagkalito. "Meisha, there's someone here wanted to see you. S

