Hindi ako pumasok ng trabaho kinabukasan. Walang sapat na kape o lakas ng loob ang makakapagtulak sa akin na humarap sa mga blueprints at AutoCAD habang ang sarili kong pundasyon ay gumuho na. Nag-text lang ako kay Ms. Thornton na may emergency—isang maikling mensahe na alam kong hindi sapat para sa isang seryosong firm gaya ng Henderson & Clarke. Hindi siya nag-reply, at kahit ramdam ko ang bigat ng disappointment niya, wala akong pake. Mas importante ang bagyong pinagdadaanan ko ngayon kaysa sa kahit anong architectural project sa London. Buong araw, nakahiga lang ako, nakatitig sa puting kisame ng condo ko habang pinapanood ang sayaw ng anino ng mga ulap. Nag-iisip. Nagpo-process. Kung totoo ang lahat ng sinabi ni Mr. Harrington, ibig sabihin... lahat ng akala ko tungkol sa sarili

