Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Crane—na ang lalakeng akala ko ay tatay ko, si Alexander Ashford, ay pumatay pala sa sarili niyang kapatid. Na ako ay anak ng isang bawal na pag-ibig. At si Sofia Galvez? Ang babaeng itutumba ako ngayon, ay ang pinsan ko na pinalaki ni Henry De Vera para maging sandata. "Hinga nang malalim, Meisha. I'm here," bulong ni Crane habang inaayos ang kwelyo ng kanyang itim na suit. Nakatayo kami sa backstage ng isang grand ballroom sa isang hotel sa Makati. Sa labas, naririnig ko ang bulungan ng napakaraming reporter. Ito ang press conference na itinawag ni Sofia para hiyain ako sa harap ng buong bansa. "Handa na ba ang ebidensya natin?" tanong ko. Ang suot kong itim na dress ay tila baluti ko sa araw na

