Pagdilat ng mga mata ko, ang una kong naramdaman ay ang matinding sakit ng ulo. Para akong hinahampas ng martilyo sa bawat pagtibok ng aking sentido. Madilim ang paligid at tanging isang mahinang ilaw lang mula sa kisame ang nagsisilbing gabay ko. Sinubukan kong gumalaw, pero naramdaman ko ang lamig ng bakal sa aking mga pulso. Nakakadena ako. Nakaupo ako sa isang malamig na semento, sa loob ng isang silid na tila isang bunker sa ilalim ng lupa. Crane. Ang alaala ng press conference, ang baril, ang pagsabog, ang mga clones ay animo’y bumalik sa akin na parang isang pelikula. Nasaan siya? Buhay ba siya? "Gising ka na pala." Isang boses ang bumasag sa katahimikan. Mula sa madilim na bahagi ng silid, lumabas ang lalaking naka-gintong maskara siya ang 'Master'. Sa tabi niya ay si Sofia Gal

