Meisha Rivera POV Ang dining hall ng Ashford Estate ay puno ng bango ng roast beef at truffle pasta, pero mas nangingibabaw ang bigat ng mga usapang pang-matanda. Nakaupo ako sa gitna nina Daddy Alistair at Crane. Sa tapat namin, katabi ni Mama Elena, ay si Tito Henry na mukhang hindi pa rin makapaniwala na nasa iisang mesa sila ng akala niya’y kaaway niya noon sa negosyo. Si Vel at Xerxes naman ay nasa dulo, parang mga commentator sa isang live sports event habang patingin-tingin sa amin. Katatapos lang namin kumain, at habang hinihintay ang dessert, uminom muna ng wine si Daddy. Ibinaba niya ang baso at tumingin nang diretso kay Crane, pagkatapos ay kay Tito Henry. "Henry, let’s be real here," panimula ni Daddy. "The twins are growing fast. Ayokong lumaki sina Caspian at Celestine na

