Meisha Rivera POV Isang linggo na ang nakalipas mula nang lumabas kami ng ospital. Ang Ashford Estate sa London ay naging parang isang fortress na namin, tahimik, protektado, at punong-puno ng pagmamahal para kina Caspian at Celestine. Pero alam ko, hindi pwedeng habambuhay kaming magtago rito. Ang mundo sa Manila ay patuloy na umiikot, at ang mga taong iniwan namin doon ay unti-unti nang kumakatok sa aming pintuan. Alas-diyes ng umaga nang makarinig kami ng ingay sa baba. Hindi ito ang usual na yabag ng mga staff. May halong excitement at kaba ang nararamdaman ko nang bumukas ang pinto ng nursery. "Meisha!" Halos malaglag ang puso ko nang makita ko ang tatlong taong pumasok. Si Mama Elena, si Tito Henry, at ang aking best friend na si Vel. Napatayo ako mula sa tabi ng crib. Si Crane,

