Meisha Rivera POV Malamig ang gabi sa London, pero sa loob ng nursery, sapat na ang init na nanggagaling sa mga baby heater at sa presensya naming dalawa ni Crane. Mag-aalas dos na ng madaling araw. Ito yung oras na tahimik ang buong Ashford Estate, pero gising na gising ang diwa naming mga bagong magulang. Pinapanood ko si Crane mula sa aking kinauupuan sa rocking chair. Hawak niya si Celestine, ang aming munting prinsesa. Maingat niyang hinehele ang bata habang mahinang humuhuni ng isang pamilyar na kanta. Ang dating matikas at laging pormal na CEO ay nakasuot na lang ngayon ng maluwag na grey sweater at joggers. Wala na ang mamahaling relo, wala na ang aura ng pagiging untouchable. Nitong mga nakaraang gabi, hindi siya umalis sa tabi ko. Siya ang taga-palit ng diaper ni Caspian kapag

