Meisha Rivera POV
Alas-dose na ng hatinggabi at hindi ako makatulog.
Hindi dahil sa ingay dahil tahimik ang mansyon, tanging ang huni ng mga kuliglig sa labas ang naririnig ko. At hindi rin dahil sa gutom ako dahil kumain naman ako ng pasta, kahit na natuyo na ito sa sobrang tagal ko sa kusina.
Hindi ako makatulog dahil sa kanya.
Ang kanyang mga salita ay paulit-ulit na umiikot sa aking isipan. "Let's see how long you can keep that mask on." Anim na araw pa lang. Walong araw pa bago umuwi sina Mama. Paano ko kakayanin ang walong araw na ito?
Kaya bumangon ako.
Suot ang isang manipis na silk nightgown na tanging damit na komportable ako dahil sa init ng gabi at bumaba ako ng hagdan. Hindi na ako nag-abalang magtimpla ng gatas. Ang kailangan ko ay sariwang hangin. Ang kailangan ko ay ang lamig ng tubig sa aking balat.
Tahimik ang pool area. Ang liwanag ng buwan ay sumasayaw sa ibabaw ng tubig, gumuguhit ng mga pilak na guhit sa madilim na asul na tubig. Hinubad ko ang aking tsinelas at naupo sa gilid ng pool. Itinubog ko ang aking mga paa sa malamig na tubig.
Ang lamig ay tila nagpakalma sa nag-aapoy kong isipan. Pumikit ako. Hinayaan ko ang simoy ng hangin na haplusin ang aking mukha.
Kaya ko ito, sabi ko sa sarili ko. Walong araw na lang. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana.
Narinig ko ang pagbukas ng sliding door sa likuran ko.
Hindi na kailangan pang lumingon. Ang amoy ng kanyang pabango at ngayon ay hinaluan ng alkohol at ng kanyang natural na amoy ay sapat na para makilala ko kung sino ito.
"Hindi ka ba makatulog, Sis? O baka naman hinahanap mo ako?"
Ang kanyang boses ay mapang-asar, isang bagay na nag-pakulo na naman ng dugo ko.
"Huwag ngayon, Crane. Pagod ako," malamig kong sagot. Pero ang puso ko ay sadyang taksil na dahil nagsimula na naman itong tumambol nang malakas.
Hindi siya sumagot.
Sa halip, naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.
Sapat ang layo mga isang metro ang layo nito sa pwesto ko para hindi kami magkadikit. Pero sapat ang lapit para maramdaman ko ang init na nanggagaling sa kanyang katawan. Para maramdaman ko ang kanyang presensya na tila isang bagyong hindi ko kayang takasan.
Dahan-dahan niyang inabot ang isang hibla ng aking buhok.
Ang kanyang mga daliri na malambot at mainit ay marahang nag-ayos ng hibla na iyon sa likod ng aking tainga. Ang haplos ng kanyang balat sa aking balat ay tila isang kuryenteng gumuhit mula sa aking batok pababa sa aking likuran, pababa sa aking mga hita.
Napasinghap ako. Hindi ko napigilan.
"Ang ganda mo sa ilalim ng liwanag ng buwan," bulong niya.
Wala na ang pang-aasar sa kanyang boses. Dahil ngayon ang tono ng boses niya ay puno ng purong paghanga.
"Hanggang kailan mo ba ako itataboy, Meisha?"
Hinarap ko siya.
Ang kanyang mukha ay ilang pulgada na lamang ang layo mula sa akin. Ang liwanag ng buwan ay nagbibigay-hugis sa kanyang perpektong mukha, sa kanyang mga mata na tila dalawang itim na butas na humihila sa akin palapit.
"Alam nating dalawa na hindi mo kayang kalimutan ang nangyari sa hotel," bulong niya. "Stop fighting it. I know you want me as much as I want you right now."
Handa na sana akong magbitiw ng masakit na salita. Handa na sana akong tumayo at tumakbo palayo.
Pero bago pa ako makapagsalita, siniil na niya ako ng isang halik.
Hindi humihingi ng pahintulot ang halik na iyon.
Ito ay klase ng halik na nang-aangkin at hindi tulad ng dati na puno ng pagnanasa.
Ang unang dampi ng kanyang labi ay tila isang mitsa na sumunog sa lahat ng aking depensa.
Sinubukan kong itulak ang kanyang dibdib ngunit ang aking mga kamay ay hindi sumunod sa utos ng aking utak. Sa halip, ang aking mga palad ay kumapit sa kanyang mga balikat, hinila siya palapit.
Lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sa aking bewang. Hinatak niya ako palapit hanggang sa wala nang espasyo sa pagitan naming dalawa. Ang aking mga dibdib ay nakadikit sa kanyang hubad na dibdib. Ang aking mga hita ay bumuka nang bahagya upang bigyan ng espasyo ang kanyang katawan.
Ang kanyang dila ay mapangahas na pumasok sa aking bibig, nanggagalugad, tila ipinapaalala sa akin ang bawat sensasyong naramdaman ko tatlong taon na ang nakalipas. Pinaghalong mint at whiskey ang nalasahan ko ng mga sandaling ‘yon.
"Crane..." ungol ko sa pagitan ng aming mga halik.
Isang pagsuko. Isang pag-amin. Isang pakiusap.
"Tell me you want this, Meisha," bulong niya na hindi tumitigil sa pagsiil sa aking mga labi. Ang kanyang hininga ay mainit, nakakalasing, nakakabaliw. "Say it."
"I want you, Crane... please."
At sapat na iyon para mas lalo siyang ganahang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan.
Binuhat niya ako nang parang wala akong bigat tila ang kanyang mga bisig ay bakal sa aking katawan, ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa aking puwitan, ang kanyang mga labi ay hindi humihiwalay sa akin. Hindi ko na alam kung paano kami nakapasok sa loob ng mansyon. Hindi ko na alam kung paano kami nakaakyat ng hagdan.
Ang tanging alam ko ay ang init ng kanyang katawan, ang bigat ng kanyang pagnanasa, at ang katotohanang sa wakas ay tumigil na ako sa paglaban.