Meisha Rivera POV
Mabilis na lumipas ang mga araw na tila ba bawat segundo ay binibilang ko para lamang matapos ang awkward na pagsasama naming apat sa loob ng bahay. Pero hindi ko inakalang mas lulubha ang sitwasyon nang dumating ang araw ng pag-alis nina Mama at Tito Henry para sa kanilang dalawang linggong honeymoon sa Maldives.
"Meisha, anak, ikaw na muna ang bahala rito. Crane, bantayan mo ang kapatid mo, ha?" bilin ni Mama habang kinukuha ang kanyang hand-carry bag.
"Don't worry, Ma. She's in good hands," sagot ni Crane habang nakasandal sa pinto. Ang ngiti niya ay mapang-asar ito ang ngiting tanging ako lang ang nakakaunawa sa tunay na kahulugan. In good hands. Kung alam lang ni Mama kung anong klaseng kamay ang tinutukoy niya.
Nang tuluyan nang makaalis ang sasakyan nina Tito Henry, tila ba bumigat ang atmospera sa loob ng mansyon. Mula sa magarbo at malawak na sala, naging bigla itong napakasikip na para bang ang mga dingding ay unti-unting gumagapang palapit sa akin.
Tinalikuran ko agad si Crane para umakyat sa kwarto. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong huminga.
Pero hindi pa ako nakakatapak sa unang baitang ng hagdan nang magsalita siya.
"So, the babysitters are gone. What's the plan, Sis?"
Ang diin niya sa huling salita ay tila isang kutsilyong dahan-dahang pumapasok sa pagitan ng aking mga tadyang.
"Mag-kanya-kanya at matulog. Huwag mo akong kakausapin kung hindi importante."
Malamig kong sagot iyon nang hindi lumilingon.
Sa sumunod na tatlong araw, naging eksperto ako sa pag-iwas.
Gigising ako nang mas maaga sa kanya bandang alas-singko ng umaga, habang madilim pa para kumain ng almusal nang mag-isa. Magkukulong ako sa kwarto o sa library hanggang sa maramdaman kong tulog na siya sa gabi. Hindi kami nagkikita, hindi kami nag-uusap. At sa maikling panahon na iyon, halos kumbinsido na ako na kaya kong panindigan ang katahimikang ito.
Kaya ko ito, sabi ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame ng library, ang libro sa aking kandungan ay hindi naman nababasa. Dalawang linggo lang naman silang mawawala. Kaya ko ‘to.
Ngunit si Crane ay hindi basta-basta sumusuko.
Alam niya kung paano ako inisin. Alam niya kung saan ako hahanapin.
Noong ika-apat na araw bandang hapon na ‘yon. Nakaupo ako sa library, napapalibutan ng mga libro ni Tito Henry na hindi ko naman binabasa. Ang totoo, nakatitig lang ako sa parehong pahina sa loob ng tatlumpung minuto, paulit-ulit na binabasa ang parehong pangungusap nang walang pumapasok sa aking isipan.
"The fundamental principle of contract law is the meeting of the minds..."
Meeting of the minds. Putangina. Ang tanging meeting ng isip ko ay ang paulit-ulit na pagbalik sa gabing iyon tatlong taon na ang nakalipas. Ang init ng kanyang katawan. Ang bigat ng kanyang mga kamay. Ang paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko na kahit hindi naman niya alam ang totoong pangalan ko noon.
Biglang bumukas ang pinto.
Pumasok siya nang walang suot na pang-itaas.
Tanging gym shorts lang na bahagyang nakababa sa kanyang balakang. Bakas ang pawis sa kanyang dibdib, sa kanyang mga abs, sa mga brasong nakasanayan kong pumulupot sa akin sa aking mga panaginip. Ang amoy niyang pamilyar na pamilyar sa akin na hinaluan ng pabango at pawis ay agad na sumakop sa maliit na espasyo ng library.
Nanigas ako sa aking kinauupuan pero hndi ako tumingin. Pinilit kong manatiling nakatitig sa libro, kahit na ang mga titik ay nagsasayaw na sa harapan ko.
"What are you doing here? Nasa baba ang gym, Crane," asik ko. Ang boses ko ay mas matigas kaysa sa nararamdaman ko.
"It's my house, Meisha. I can go wherever I want."
Dumaan siya sa likuran ko. Napakalapit tipong sapat na para maramdaman ko ang init na nagmumula sa kanyang balat, sapat na para ang bawat buhok sa aking batok ay tumindig.
"Bakit ka ba laging nagtatago rito?" bulong niya, ang kanyang hininga ay dumampi sa aking tainga. "Masarap ang hangin sa pool. Or maybe... you're afraid you might lose control if you see me like this?"
"In your dreams," sabi ko. Isinara ko ang libro nang mariin, ang tunog ay pumalakpak sa loob ng silid. "Masyado kang bilib sa sarili mo. To me, you're just an annoying person I'm forced to live with."
Tumayo ako at mabilis na nagligpit ng aking mga gamit. Hindi ko siya tinignan. Hindi ko kayang tumingin.
Ngunit narinig ko ang mahina niyang tawa, mababang tunog ng tawa na nagpadala ng kuryente mula sa aking gulugod pababa sa aking mga hita.
"Keep telling yourself that, Meisha. Maybe one day, maniniwala ka na rin sa sarili mong kasinungalingan."
---
Dumating ang gabi ng ika-anim na araw. Day-off ng mga kasambahay. Kailangan kong magluto para sa sarili ko at napagpasyahan ko na isang simpleng pasta, kahit ano, basta may gagawin ang mga kamay ko. Kailangan kong maging abala. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na hindi siya ang sentro ng mundo ko.
Akala ko ay tulog na si Crane. Akala ko ay nasa labas siya na may meeting, may inuman, kahit ano. Hindi ko narinig ang kanyang sasakyan, kaya ipinagpalagay kong wala siya.
Mali ako.
Pagpasok ko sa kusina, nakaupo siya sa island counter.
Nakasuot lang siya ng low-waist na sweatpants, ang kanyang hubad na katawan ang bumungad sa akin. May hawak siyang kutsilyo na hindi naman niya ginagamit, ginagalaw-galaw lang sa pagitan ng kanyang mga daliri. At ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin.
"You're making pasta? Make some for me, too," utos niya, hindi tanong. Utos.
"May kamay ka, Crane. Gamitin mo," sagot ko habang naglalagay nang tubig sa kaserola. Hindi ako tumingin sa kanya.
"Galit ka ba talaga sa akin, o galit ka sa katotohanang hanggang ngayon, naaalala mo pa rin kung paano mo sumigaw dahil sa sarap noong gabing iyon?"
Binitawan ko ang sandok.
Ang tunog ng metal na tumama sa kalan ay nangibabaw sa katahimikan ng kusina. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Ang dibdib ko ay nagkukumahog hindi lamang sa galit, kundi sa katotohanang tama siya.
"Can you stop?" sigaw ko. Ang boses ko ay nanginginig na dahil sa inis, at sa galit na matagal ko nang pinipigil. "Tatlong taon na ang nakalipas! Lasing ako noon, at naghahanap lang ako ng paraan para makalimot! Hindi ikaw ang gusto ko noon, Crane. Kahit sino pa ang naroon sa bar na iyon, papatulan ko dahil lasing ako noon, I’m in my most vulnerable state!"
Tumayo siya nang dahan-dahan. Yung tipong hindi nagmamadali. Ang kanyang mga mata ay hindi umaalis sa akin.
"Liar."
Isang salita lang ang binitawan niya pero tumagos ito sa akin nang mas malalim kaysa sa anumang sigaw.
"If it was just anyone, hindi mo ako hahalikan nang ganoon katindi sa elevator pa lang." Lumapit pa siya ng ilang hakbang. Ang kanyang mga paa ay walang sapin sa malamig na sahig, pero hindi niya alintano ‘yon.
“You chose me, Meisha. At hanggang ngayon, ramdam ko ang panginginig mo tuwing malapit ako."
"Hindi ako nanginginig sa takot o dahil sa gusto kita!" bulyaw ko. Pero ang boses ko ay hindi na matatag. Ang pundasyon ko ay gumuguho na. "Nanginginig ako dahil sa dumi na nararamdaman ko dahil kapatid na kita ngayon!"
Nasa harapan ko na siya ngayon. Isang dangkal na lamang ang pagitan namin. Ang init ng kanyang katawan ay dumadampi sa akin kahit hindi kami magkadikit.
"We share no blood, Meisha. Only a marriage certificate of our parents."
Inilapit niya ang kanyang mukha. Ang kanyang hininga ay mainit sa aking mga labi. Ang kanyang mga mata ay madilim parin na tila nag-aapoy ay hindi umaalis sa akin.
"Huwag kang magmalinis. Dahil alam nating dalawa na sa ilalim ng galit na iyan, may apoy na gusto mong muling masindihan."
Huminga ako nang malalim.
Tiningnan ko siya nang diretso sa mata. Sa loob ng tatlong segundo, pinilit kong ibalik ang lahat ng depensa ko. Hindi ako pwedeng bumigay. Hindi ako pwedeng bumigay.
"Tapos ka na ba?" tanong ko. Ang boses ko ay malamig, sinubukan kong maging matapang. "Kasi kung oo, pwedeng umalis ka na? Kumukulo na ang pasta ko at ayaw kong masira ang appetite ko dahil sa presensya mo."
Bahagyang natigilan si Crane.
Siguro ay hindi niya inaasahan na ganoon kabilis kong maibabalik ang depensa ko. Humakbang siya pabalik. Ang kanyang panga ay umiigting. May bahid ng inis.
"Fine. Enjoy your dry pasta, Meisha. But remember, we still have eight days left. Let's see how long you can keep that mask on."
Nang makalabas siya ng kusina, doon ko lang pinakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigil.
Napahawak ako sa counter. Nanginginig ang aking mga tuhod. Ang aking puso ay tumitibok na para bang tatakas na sa aking dibdib.
Mali ito.
Alam kong bawat asar niya, bawat daan ng kanyang maiinit na tingin, ay unti-unting tinitibag nito ang mga pader na itinayo ko sa loob ng tatlong taon. Alam kong hindi ako pwedeng bumigay.
Pero alam ko rin na sa kaibuturan ng aking pagkatao ay gusto ko nang bumigay.
At iyon ang pinakakinatatakutan ko.