Hindi ko na kinaya ang bigat ng dibdib ko. Nang tumawag si Vel at niyaya akong mag-bar para mag-unwind dahil sa sobrang pagiging busy namin, hindi na ako nag-atubili. Kailangan ko ng takas. Kailangan kong lunurin ang isip ko sa ingay at alak para lang hindi ko marinig ang katahimikang namamagitan sa amin ni Crane sa loob ng mansyong ito. Sa dance floor, nilunod ko ang sarili ko sa musika. Nagsayaw ako na tila ba mawawala ang lahat ng hapdi sa bawat indayog ng katawan ko. Ilang shot ng tequila ang itinungga ko, umaasang sa bawat pag-init ng lalamunan ko ay mabubura ang imahe ng malamig na mukha ni Crane. Pero kahit gaano karaming alak, ang sakit ng pagbabalewala niya ay nananatiling malinaw. Alas-tres na ng madaling araw nang ihatid ako ni Vel sa mansyon. Medyo hilo na ako, ang bawat hakb

