Ang balita mula sa aking boss ay dumating sa panahong pakiramdam ko ay lunod na lunod na ako sa sarili kong tahanan. Isang six-month assignment sa London. Anim na buwang distansya. Anim na buwang pagkakataon na makahinga nang hindi nalalanghap ang pamilyar na amoy ng pabango ni Crane na tila laging nakabuntot sa bawat panaginip ko. Ngunit habang tinititigan ko ang email sa aking laptop, hindi ginhawa ang naramdaman ko kundi isang malalim na kirot. Ito na ang hinihiling ko, 'di ba? Ang makalayo sa kanya? Ang makatakas sa madilim at komplikadong ugnayang ito? Pero bakit parang mas lalong bumibigat ang dibdib ko sa isiping magiging malaya na ako? Sa hapag-kainan ng gabing iyon, ang tunog lamang ng mga kubyertos na tumatama sa porselana ang namamayani. Si Mama at Tito Henry ay masayang nag-u

