Meisha Rivera POV Tatlong araw na ang nakalipas mula nang isilang ko ang kambal. Tatlong araw na ring namamalagi si Crane dito sa loob ng suite, natutulog sa sofa, at bumabangon sa tuwing may naririnig na munting iyak sa madaling araw. Nakapagtataka, pero hindi siya nagrereklamo. Ang dating CEO na nakasanayan ang luxury at mabilis na serbisyo ay siya na ngayong taga-abot ng diaper at taga-timpla ng gatas para sa mga anak niya. Ngayon ang araw ng discharge namin. "Meisha, okay na ba lahat ng gamit mo? Ang car seat ng babies ay naka-install na sa SUV nang daddy mo," tanong ni Crane habang isinasara ang huling maleta ko. Halatang kulang siya sa tulog, pero may kakaibang liwanag sa kanyang mga mata. "Yes, Crane. Ready na kami," sagot ko habang dahan-dahang tumatayo. Medyo mahapdi pa ang ta

