Meisha Rivera POV Ang hangin sa loob ng suite ay naging mabigat dahil sa presensya ni Crane sa loob nito. Tanging ang mahinang whirring ng air conditioner at ang marahang paghinga ng kambal sa kanilang mga bassinet ang bumabasag sa katahimikan. Nakatayo si Crane sa may paanan ng kama ko, mukhang basang sisiw na hindi alam kung saan lulugar. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko maikakaila, may bahagi sa puso ko na gustong bumigay nang makita ko ang itsura niya ito yung mga mata niyang dati ay puno ng kumpyansa, ngayon ay puno ng pagmamakaawa. Pero mas nanaig ang galit at ang proteksyon ko para sa mga anak ko. "I asked you a question, Crane," malamig kong panimula. Inayos ko ang pagkakasandal ko sa mga unan, pilit na pinapakita na hindi ako apektado ng presensya niya. "Anong ginagawa mo rito s

