Meisha Rivera POV Ang tunog ng papalapit na takong sa hallway ay umalingawngaw sa labas ng suite. Kilala ko ang bawat yabag na ’yan ang madiin, mayabang, at punong-puno ng entitlement. Hindi na ako nagulat nang bumukas ang pinto ng suite ko nang marahas. Doon, nakatayo si Monica Lorenzo. Gulo-gulo ang buhok niya, hulas na ang make-up, at suot pa rin niya ang isang mamahaling puting dress na mukhang bahagi ng kanyang wedding ensemble para sa rehearsal dinner sana bukas. Pero ang mukha niya? Para siyang hiningahan ng dragon sa sobrang galit. "So, it’s true!" sigaw niya, hindi man lang pinansin ang mga nurse na pilit siyang pinipigilan sa labas. "Nandito ka lang pala! At ikaw, Crane? You coward! Iniwan mo ang lahat sa Maynila para lang sa babaeng 'to?" Mabilis na tumayo si Crane para huma

