Ang tunog ng papalapit na helicopter ay tila isang babala ng paparating na bagyo. Mabilis ang bawat pangyayari. Mula sa altar na simbolo ng aming sumpaan, hinila ako ni Crane patungo sa loob ng villa. Ang kanyang mukha ay seryoso, walang bahid ng emosyon maliban sa matinding pokus. "Crane, anong gagawin natin? Si Papa... si Tito Henry... bakit siya nandito?" tanong ko, hingal na hingal habang sinusubukang sabayan ang malalaki niyang hakbang. "He’s not here for a family reunion, Meisha," Crane answered, his voice low and dangerous. Pumasok kami sa kanyang study room at mabilis niyang binuksan ang isang vault sa likod ng painting. Naglabas siya ng dalawang handgun at ilang magazine ng bala. "He’s here to collect his investment. And in his eyes, you are the most valuable asset he has ever

