WALANG emosyon ang mga matang nakatingin lang si Alvaro sa manager niyang si Ogie. Nagagalit siya rito dahil tinanggap nito ang kontrata na makasama sa isang project si Vivian, ang sikat na modelo sa Paris. "Just this time, Alvaro. After nito you can do everything you want," anito sa kanya. "Pinagbigyan ko na ang gusto mong samahan siyang kumain at kahit ang ihatid siya sa hotel niya. Pero ano ang kapalit? Kung anu-anong balita ang lumabas! Anong inaasahan mong magiging reaksyon ko? Matutuwa ako?" "Alvaro, last na 'to—" "Talagang last na 'to, Ogie! After this you're no longer my manager. Palagi mong pinangungunahan ang desisyon ko." "What?! After all I've done to you? Baka nakakalimutan mong hindi dahil sa'kin wala ka sa kinaroroonan mo ngayon!" Tumaas ang sulok ng labi niya. "Ikaw n

