NAGMAMADALING bumaba ng sasakyan si Ruby pagkarating niya sa hospital. Lakad takbo ang ginagawa niya hanggang sa makarating siya sa reception area. Tinawagan kasi siya nito na sinugod siya sa hospital dahil nagkaroon ito ng bleeding. "Samantha Mendez, miss," aniya sa nurse. "Nasa emergency room ho, ma'am," anito. Tinakbo niya ulit ang daan papunta sa emergency room at hinanap ang kaibigan sa mga cubicle na nandoon hanggang makita niya ito sa pinakadulo ng kwarto at agad niya itong nilapitan. "Sam!" Marahan itong nagmulat ng mga mata. "Ruby..." tila nawala naman ang pangamba nito sa mga mata nang makita siya at isa-isang pumatak ang mga luha nito. Niyakap niya ito. "I'm here na. Sorry kung natagalan ako." Marahan itong umiling. "Ang importante nandito ka na. Takot na takot ako, Ruby.

