Chapter 2- Cassandra “Cassy” Concepcion

1685 Words
“Oh, by the way, Marla, did you see Venus downstairs? I thought she’s here. Why don’t you invite her?” tanong ko kay Marla. “She’s here??” balik tanong naman niya sa’kin. “Yes!” sagot ko naman sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kaniyang kababata. “Girls… She needs help, may nambabastos daw sa kaniya sa baba,” natatarantang wika ni Marla. “Let’s go downstairs!” Yakag naman ni Laureen sa’min at nagtayuan kami mula sa pagkakaupo sa may couch. “Wait, pa’no si Airah?” tanong naman ni Teria at tinuro pa si Airah na abala pa rin sa pagsusuri sa lalaking kasasabwatin para sa kaniyang kapatid. “Tsk!” naiiling na sabi ko. Nilapitan ko si Airah at binulungan, “Are you going with us, or you’ll gonna stay here?” “Don’t leave me here.” Sabay kapit nito sa braso ko. Sabay-sabay kaming lumabas ng silid at bumaba. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ng lady’s room at sumama pa si Laureen. Dahil medyo marami na rin ang nainom namin ni Laureen na alak, medyo pagewang-gewang na rin ang aming paglalakad. Nauna akong lumabas ng lady’s room at ‘di sinasadyang nabunggo ko ang isang babaeng gumegewang na rin sa kaniyang paglalakad. “What the hell?!” bulalas ng babaeng nabunggo ko. “Excuse me? Are you saying anything?” maangas kong tanong sa kaniya. “Tsk! You just bump me! Care to say sorry?” maangas niya ring tanong sa’kin. “Duh?! H’wag ka kasing humarang-harang para hindi ka nabubunggo!” pagtataray ko pa sa kaniya. “Cassy!” Tawag ni Laureen sa’kin. “What is happening here?” nag-aalalang tanong pa nito. “Teka lang, Laureen!” At tiningnan ko pa ang babaeng kaharap. “This b*tch is getting on my nerves!” Napanganga naman ang babae sa’king sinabi. “Did you just call me a b*tch?” hindi makapaniwalang tanong niya sa’kin. “Yes, you’re a b*tch!” nakangisi ko namang tugon. “You…” Humakbang siya palapit sa’kin at inangat ang kaniyang kanang kamay ngunit bago pa niya naidapo iyon sa’kin ay mabilis na siyang napigilan ng isang lalaki. Hinila siya ng lalaki paalis sa aking harapan. Napapailing naman si Laureen na lumapit sa’kin, “Who is she?” “A b*tch!” nanggigigil kong sabi. “Cassy! Laureen!” Humahangos na tawag sa’min ni Teria. “What happened?” tanong ko naman kay Teria. “Si Venus binastos ng lasing doon,” hinihingal nitong sabi sabay turo kung saan naroon sina Venus, Marla at Airah. Mabilis kaming humakbang palapit sa kinaroroonan ng mga ito. Yakap-yakap ni Marla ang kababatang si Venus na panay ang iyak. Ang manyakis na lalaki naman ay pilit na inaawat naman ng security guard ng LiquidDoze. Dala ng sobrang kalasingan ay patuloy pa rin sa pangungulit ang manyakis na lalaki. Pilit itong lumalapit kina Venus at Marla na umaakto pang yayakap ngunit hindi natutuloy dahil sa paghila naman ng security guard sa kaniya. Sa sobrang inis ko sa manyakis na lalaki ay kumuha ako ng bote sa mesa at ipinukpok iyon sa ulo niya. Nagbabaga ang mga matang tumingin sa’kin ang manyakis na lalaki at akmang susugurin niya ako. Nakakuha ulit ako ng panibagong bote sabay hampas niyon nang malakas sa ulo ng manyakis na lalaki. Bagsak ang manyakis sa sahig! “Gabriel!” Narinig kong tawag ng club manager sa security guard na umawat sa manyakis. Nilingon ko ang mga kaibigan at sinenyasang umalis na kami sa lugar na ‘yon. Paglabas ng bar ay nagpaalam na si Venus na mauuna nang umalis sa’min. Tumango naman kaming lahat sa kaniya at sinabihang mag-ingat. Nagpasalamat pa ito bago hinatid siya ni Marla sa kaniyang sasakyan. “Ibang klase ka talaga, Cassy!” naiiling na wika ni Teria. “Akalain mo nga namang mapabagsak mo ang isang manyakis na lasenggo sa isang hampas lang ng bote,” natatawa namang sabi ni Marla na ‘di namin namalayang nakabalik na pala. “Doon niya lang naman nilabas ang galit niya sa isang babaeng tinawag niyang b*tch!” pahayag naman ni Laureen. Mahabang buntonghininga ang naging tugon ko sa kanila. “Don’t tell me, Cassy; you will bring the bottle to your home?” turan naman ni Airah. Doon ko lang naalalang hawak-hawak ko pa pala ang boteng pinanghampas ko sa manyakis na lasing. Basta ko na lamang inihagis ang bote sa kung saan at nagulat kami nang may humiyaw na tao mula sa kung saan. Luminga-linga ako at hinanap iyon ngunit wala akong nakita. “Oh my God!” bulalas ni Teria. “Mukhang may tinamaan ka pa yata na tao, Cassy,” sabi naman ni Airah. “Girls, I need to go!” saad naman ni Marla. “No, you stay here! Sasamahan muna natin si Laureen kilalanin ang kaniyang mapapangasawa,” nakangisi ko namang sabi pero sa loob-loob ko ay kinakabahan din ako. “Sana wala akong natamaang tao,” pipi kong sabi sa isipan. “What?!” asik ni Laureen sa’kin. “Did you see that man.” Sabay turo ko sa kanila sa taong grasa. Yes, literal na taong grasa ito pero may itsura. Maituturing mo na nga ring isa sa mga kanto boys ang dating at pormahan kung ito ay mabibihisan ng maayos. “Are you taking a drug, Cassy?” naiiling na tanong naman ni Airah sa’kin. “If we resolve your problem, we can make it too with Laureen,” pursigido kong sagot sa kanila. “Kunsabagay, paliguan mo lang siya, Laureen magmumukhang tao na ‘yan ulit. Hindi mo na need magbayad sa kaniya unlike Airah,” humahagikhik namang sabi ni Teria. Sinamaan siya ng tingin ni Laureen ngunit nagpatuloy lang sa paghagikhik si Teria na sinabayan na rin nina Airah at Marla. “So… Take it or leave it?” seryosong tanong ko kay Laureen. “No! In your wildest dream!” mariing sagot naman niya sa’kin. Malakas na nagtawanan kaming apat nina Teria, Airah, at Marla. Napalingon ako nang may kumalabit sa aking likuran. Nagitla ako sa isang lalaking matangkad, moreno, malapad ang balikat at mamula-mula ang mga labi na parang kay sarap halikan. Namumutok-mutok din ang kaniyang mga braso na parang ang sarap yakapin at gawing unan. “K-kanto Boys!” mahinang usal ko at natulala sa gwapong lalaking nasa aking harapan. “Miss?!” Untag niya sa’kin. “What?” pasinghal kong sagot sa kaniya upang pagtakpan ang aking pagkapahiya. “Ikaw raw ang bumato ng boteng ‘to.” Sabay angat ng kaniyang kamay na may hawak na bote. Ang boteng hinagis ko kani-kanina lamang. “How could you say, na ako ang naghagis niyan?” mataray kong tanong sa kaniya. “May nakakita sa’yo, Miss” sagot naman niya sa’kin. “I don’t know what you say.” Tinalikuran ko ito at inaya nang umalis ang mga kaibigan. “Sandali lang, Miss!” Pigil ng lalaki sa aking braso. “Ano bang kailangan mo sa’kin? Pera ba?!” Kinuha ko ang wallet sa loob ng bag at naglabas ng limang libo. Inabot ko sa lalaki ang pera ngunit hindi niya iyon tinanggap. Tinitigan niya lang ang makinis kong braso na nangangalay na rin sa pag-abot ng pera. “Iyan ang hirap sa inyong mga mayayaman akala ninyo mabibili ng inyong salapi ang lahat,” nakakuyom ang mga kamaong wika nito. “Excuse me, I’m not saying na binibili kita. I’m just paying you for whatever damages I have done to you.” Pagtataray kong muli sa kaniya. “Well, if you don’t like to accept this money, I will be left it here.” Sabay turo sa may upuang malapit sa aming kinatatayuan. Nagbilang ako ng limang segundo at ‘di pa rin niya tinanggap ang perang binibigay ko. Lumapit ako sa upuan at kumuha ng bato upang idagan sa perang nilapag ko roon. Kuyom ang mga kamao ng lalaki na humakbang palapit sa’kin. Napangisi ako nang akala ko ay kukunin na niya ang perang nilapag ko sa upuan. Ngunit nabigla ako nang kabigin niya ang ulo ko at gawaran nang nagpaparusang halik ang mga labi ko. Halik na halos mapuknit ang aking mga labi dahil sa walang kaingat-ingat niyang pagsalakay sa loob ng aking bibig. Nakarinig ako nang pagsinghap mula sa aming paligid at doon ko naalala ang mga kaibigan. Buong pwersa ko siyang itinulak at binigyan ng isang malakas na sampal sa kaniyang pisngi. “You shouldn’t have done that!” galit kong sabi sa kaniya. “Iyan na ang bayad mo sa batang tinamaan ng bote sa ulo. Bayad mo na rin ‘yan sa pagiging makalat mo. Sayang, kababae mo pa namang tao pero hindi ka marunong magtapon ng basura sa tamang basurahan,” naiiling niyang sabi. Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig na sinabi niya at pakiramdam ko ay pulang-pula na rin ang aking mga pisngi sa sobrang galit. “Siya nga pala Miss, sa susunod mag-toothbrush ka naman. Ang baho kasi ng hininga mo parang basurang itinatapon mo lang sa kung saan-saan,” nakangisi pa niyang sabi. “What?!” gigil kong sabi at muling pinadapo ang isang palad ko sa kaniyang pisngi. Napangiwi ito sa lakas ng sampal na binigay ko sa kaniyang pisngi. “Yes, mayaman ako! Pero, hindi ako pinalaki ng magulang ko na masamang tao at hindi mabaho ang hininga ko noh!” turan ko sa mayabang na lalaki. Tinakip ko ang isang palad sa aking bibig at pasimpleng huminga roon upang amuyin nga ang hininga. Napangiwi naman ako nang maamoy ang sarili kong hininga. Ang baho nga! Ngumisi naman ang mayabang na lalaki at iiling-iling na tinalikuran ako. “Cassy!” Tawag sa’kin ni Teria. “Are you okay?” tanong naman ni Marla sa’kin. “Hindi niyo man lang ako tinulungan sa mayabang na lalaking ‘yon!” asik ko naman sa kanila. “Pa’no ka namin tutulungan eh bagsak na rin si Laureen dito.” Tinuro ni Airah si Laureen na kasalukuyang suka nang suka sa tabi ng kaniyang sasakyan. “Yuck!” maarteng wika ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD