Chapter 1- Cassandra “Cassy” Concepcion
LiquidDoze, this is not the most expensive bar in town, but this is the most popular among the females.
Women from the higher class of society love to flock to this area because of the so-called 'Kanto Boys'.
So far, the place is tolerable. May laban din ito sa ibang bar na kalimitan kong pinupuntahan.
Kapansin-pansin na mas marami ang mga costumer na babae kaysa mga lalaki at natitiyak kong dahil gusto lang ng karamihan sa mga nandito na masilip kung gaano katotoo ang usap-usapan tungkol sa ‘Kanto Boys’.
Kalimitan daw na tumatambay rito sa LiquidDoze ang mga nagkikisigang kalalakihan mula sa pinakamalapit na slum area na binabansagan ng lahat na ‘Kanto Boys’.
The bar owner has a high standard for his employees' physical appearance.
Napangiti ako habang pinanonood ang pagsasayaw ng isang macho dancer sa entablado.
"K-Kanto Boys..." wala sa sarili kong usal.
Unang tumambad sa'king paningin ang matipuno nitong dibdib at malapad na balikat. Bumaba nang bahagya ang mga mata ko papunta sa mabato nitong tiyan at perpektong katawan. Tiyak na luluhuran ng lahat ng mga kababaihan pati na rin ng mga tala!
“Hmm… Not bad but still not my taste!”
Tinawagan ko ang mga kaibigan na sina Marla, Laureen, Teria at Airah.
Pinapunta ko sila rito para solusyunan ang problema ni Airah sa kaniyang kapatid na malapit ng ikasal sa lalaking mahal na mahal ng una.
“For sure, Airah will gonna kill me for this, but she will take the idea.” Nangingiting naiiling ako sa naisip.
While waiting for my friends, I asked the club owner to arrange a VIP room for us. I paid for the macho dancer, who dances in front of the stage. This guy is the solution for Airah's problem!
I went to the bar counter and ordered one shot of a drink from the bartender.
Parang tubig lang na nilaklak ko ang lamang alak ng basong inabot sa’kin ng bartender. Humingi pa ako rito ng isang shots hanggang sa maging sunod-sunod na.
“Cassy!” Pasigaw na tawag ni Laureen sa’kin at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ko.
Laureen owns a famous restaurant called the 'Sabor de Vigor.'
“Laureen, let’s drink!” Sabay abot dito ng isang baso ng wine.
“No, I don’t like that!” sabi niya at tinawag ang bartender, “I want a stiff drink!”
“Oh… Don’t tell me your family still pressuring you to get married to somebody?”
“To hell with my family!” nang-uuyam niyang tugon sa’kin.
“Why you're two are so serious?” Nilingon ko ang nagsalitang si Marla.
Marla is the playgirl among us. Para lang itong nagpapalit ng damit kung makapagpalit ng boyfriend. Oras lang ang tinatagal ng mga lalaking nakakasama nito.
“Himala, wala ka ‘atang kasama ngayon na boylet?!” Tumingin pa ako sa kaniyang likuran upang siguruhing nag-iisa nga ito.
“Break na kami!” nakangisi niyang turan.
“It’s not new with Marla!” sabat naman ng bagong dating na si Teria.
“Teria!” magkapanabay naming sabi nina Laureen at Marla.
“I thought we’re here to enjoy?” tanong ni Teria sabay abot ng baso mula sa’king kamay.
“I asked the club owner to arrange a VIP room for us, and it’s on the second floor. Let’s go!” Aya ko sa kanila.
“I will wait for Airah here,” Laureen said.
“Okay, we will prepare the solution to her problem,” sagot ko kay Laureen.
Kinindatan ko pa siya at hinila na ang kamay nina Marla at Teria, paakyat sa ikalawang palapag ng LiquidDoze.
Inabot ng manager sa’kin ang isang swipe card na siyang gagamiting susi sa pagpasok sa LiquidDoze VIP room. The room is in dim light and it’s almost perfect for Airah.
Napahagikhik ako sa kalokohang naisip para sa kaibigan. Umupo ako sa may couch at halos maluha-luha na sa katatawa.
Dinampot ko ang bote ng wine sa center table at nagsalin sa baso. Tinungga ko iyon na parang tubig lang.
“You’re drunk!” naiiling na saad ni Teria.
“No, I’m not!” nakangisi kong sagot sa kaniya.
“Airah is too late. Where is she?” tanong ko pa sa kaniya.
Napansin kong wala sa’min ang atensyon ni Marla. Abala ito sa pagdutdot ng kaniyang cellphone kaya dagli ko iyong inagaw sa kamay niya.
“Hey!” At binawi nito sa kamay ko ang cellphone niya.
“Where here to enjoy. So, let’s party!” Tumayo ako at umindak sa makulit na tunog ng musika.
Iniwan ko sina Marla at Teria sa VIP room upang bumaba at silipin si Laureen sa bar counter.
Nahagip ng paningin ko ang kaibigan at kababata ni Marla na si Venus Alcantara, sa isang bahagi ng bar na nag-iisa.
Lalapitan ko na ito nang mapansin ko naman si Airah na nakatayo malapit sa may pintuan. Palinga-linga ito sa paligid at mukhang hindi niya nagugustuhan ang lugar ng LiquidDoze.
“Babanggitin ko na lang mamaya kay Marla na narito si Venus,” bulong ko sa isipan.
Humakbang ako palapit sa maarte kong kaibigan.
“Airah, my friend! At last, you came!” pasigaw kong sabi at inakbayan ito.
Nakaismid na tumingin ito sa’kin na tinawanan ko lamang.
“You’re late!” wika ni Teria na siyang nalingunan naming nagsalita buhat sa’ming likuran.
“Where’s Marla?” kunot-noong tanong ni Airah kay Teria.
“She’s at our table,” nakangisi kong sagot sa kaniya.
“Get off me and lead the way.” Nandidilat na utos ni Airah.
Agad ko rin namang sinunod siya habang nakataas pa ang dalawa kong kamay at ‘di maalis-alis ang nakakalokong ngiti sa’king mga labi.
“Why so grumpy, Airah? Is this because of your sister’s upcoming wedding?” sabad ni Laureen na ‘di namin napansing nakalapit na pala sa’min.
“Why are you drowning yourself in alcohol, Miss. Vigor? Is this because of your family pressure on you to get married?” nang-uuyam na balik tanong naman ni Airah kay Laureen.
“To hell with family! We hate them but can’t live without them!” natatawang sagot ni Laureen kay Airah.
“Cheer up, ladies! For tonight, we will solve your family problems!” Malakas kong sigaw sa kanila na sinabayan ng malakas na tugtog.
Nagtinginan silang lahat sa’kin at binigyan ko lang sila nang nakakalokong ngiti.
“My gosh! What are you still doing here? The arrangement Cassy asked from the club owner is already waiting for us in our room,” sabi ni Marla na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.
“Room?” nagtatakang tanong naman ni Airah.
“Oh, I forgot to clarify that our table is at one of LiquidDoze’s VIP rooms.” Si Teria ang sumagot sa tanong ni Airah.
“Let’s party! Party! Yoohoo!” panabay naming sigaw ni Marla.
Hinila na namin si Airah paakyat sa ikalawang palapag. Nagsimula kaming umindak nina Laureen at Marla sa malikot na tugtuging pumailanlang sa paligid.
Napansin kong nakasimangot si Airah at halatang ‘di natutuwa.
“I’m preparing something that could help with your problem,” makahulugan kong sabi sa kaniya.
Katakot-takot na irap ang binato niya sa’kin.
“You know, as much as I’m not fully convinced about Cassy’s kind of solution to any problem… I can say that this one is quite interesting,” nakangising sabi naman ni Marla.
Huminto kaming lahat sa harap ng silid na inarkila ko sa club owner. May nakatatak ito sa pinto na gold letters ‘LiquidDoze VIP Room 6.’
Hinila namin ni Laureen si Airah, papasok sa loob ng silid. Sinalubong kami nang umaalingawngaw na malakas at mapang-akit na tugtog sa buong silid.
Lumapit sa’min ang mga kalalakihang inarkila ko partikular na ang macho dancer na binayaran ko pa nang pagkamahal-mahal para lang sa kaniyang talent fee. Tinulak ko si Airah palapit dito.
“This is it, Airah! This is my solution to your problem!” Nakangiting sigaw ko sa kaibigan.
Lumapit sa’kin ang isang gumigiling na lalaki at sinabayan ko rin ito sa pag-indak.
Sinibat ako nang matalim na tingin ni Airah pero tinaas ko lang ang kopita ng alak sa kaniya.
“Cheers to man that you couldn’t have!” Nakangisi kong sigaw sa kaniya. “Pero kung gusto mo ay hindi rin mapupunta sa kapatid mo.”
Agad nag-iba ang tingin niya sa’kin, “Choose your hero, Airah. Choose among these boys who will lure your sister away from the man you both love but unfortunately choose your dear sister over you.”
“They are willing to do anything you want as long as the price is right,” dagdag ko pang wika sa kaniya.
“We are not hiring criminals here, because we’re not that desperate,” nakataas ang kilay na pahayag ni Marla.
“Aren’t we?” mapaklang sabat naman ni Laureen.
Nang mapagod sa pag-indak ay umupo ako sa couch na sinundan naman nina Marla, Laureen at Teria.
Tanging si Airah na lamang ang naiwang nakatayo at siyang pinalilibutan ng mga mapang-akit na mga kalalakihan.
“Just choose one, Airah… Choose the best one that can ruin your sister’s relationship with the man you want to have,” saad ni Teria na nakatitig kay Airah.
Nagsigawan kaming magkakaibigan at lalong lumakas ang tugtog ng masilayan namin ang isang makahulugang ngiti sa mga labi ni Airah.
Hinawakan ni Airah ang bisig ng lalaking kaniyang napili at dahan-dahan siyang umikot upang ito’y kaniyang kilalanin. May ilang minuto rin itong natulala sa napiling lalaki.
“He’s one of them you know,” ani ni Teria.
“Kanto Boys!” magkakapanabay naming sabi.