Pabalik na ako sa loob ng office nang mapansin ko si Baste sa showroom. Nakahiga ito sa ilalim ng truck at tila binubutingting niya iyon. "Don't tell me na pati pagiging mekaniko ay alam niya ring gawin," ani ko sa isipan. Pumasok ako sa showroom upang lumapit sa kinaroroonan ni Baste. "Huwag mong sabihin na pati pagiging mekaniko ay alam mo rin gawin?" mataray kong tanong sa binata. "Marunong akong magmaneho kaya marunong akong mag-ayos ng sasakyan," sagot naman niya sa'kin habang patuloy na nagpupukpok sa ilalim ng truck. Naiiling na pinagmasdan ko na lamang ito. "Maswerte naman pala ang magiging asawa mo kung gano'n dahil halos lahat na lang yata ng trabaho ay alam mo na," pasarkastikong puri ko sa kaniya. "Hindi ko alam kung pinupuri mo ba ako o iniinsulto mo, pero sasagutin k

