Naiwan si Gabie na mag-isa sa salas pagkatapos nilang magkuwentohan ni Joan. Ngunit nang mapansin niya na maghahating-gabi na ay nagpasiya siyang umakyat na kahit hindi pa siya inaantok. Naisip niya na marahil ay naninibago lang siya sa oras dito sa Pilipinas. Nang mapatapat siya sa kuwarto niya, na ngayon ay pansamantalang inookupa ni Omeng, ay saglit siyang napatigil. I'm sorry, Omeng. I'll do my best para mapatawad mo ako. Babawi ako, promise! Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Omeng, hubad baro. Hindi ito masyadong nagulat nang makita siya at animo ay inaasahan na nito ang kanyang presensiya. Ilang segundong nagtama ang kanilang mga mata. Nangungusap ang mga mata nito at parang may gustong sabihin sa kanya. Umawang ang bibig niya para

