Nagdesisyon si Gabie na kausapin na si Omeng nang malaman ang buong katotohanan mula sa kaibigan. At dahil na rin sa suhestiyon ni Edne na kailangan na niyang tanggapin na nagkaroon siya ng pagkukulang ay nag-ipon siya ng lakas ng loob na kausapin si Omeng upang maging klaro ang lahat. Kaya naman nang makatulog ito ay nagpasya siyang puntahan si Omeng sa kabilang kuwarto. Ngunit nang magkaharap na sila ni Omeng ay tila nauupos siyang kandila. Ang inipon niyang lakas ay dagliang nawala. Pinilit niyang patatagin ang sarili sa harap nito. Kaya lakas-loob niyang sinabi rito ang pakay. At nang sabihin nito sa kanya na sa ibaba na lang sila mag-usap ay nakahinga siya ng maluwag. Habang bumababa ng hagdan ay nararamdaman pa niya ang pangangatog ng kanyang mga tuhod kaya humawak siya ng mahigp

