Kinabukasan, bago pumasok sa trabaho si Gabie ay tinawagan muna niya ang kanyang mga magulang para ikonsulta sa mga ito ang tungkol sa kotseng binebenta sa kanya. “Hello, 'nay, kumusta po?” tanong niya rito. At kahit hindi niya ito nakikita ay halatang excited sa pagtawag niya. “Anak, napatawag ka, may problema ba?” Pati ba naman ang Nanay ko para ring si Edne, tumawag lang ako, may problema agad? Tumatawag lang ba ako kapag may problema? tanong niya sa sarili. “ʼNay, kapag may problema lang ba ako nakakaalalang tumawag?” may pahiwatig ng sama ng loob ang pagkakasabi niya noon sa Nanay niya. “Hindi naman, Anak, nagulat lang ako. Eh, bakit ka nga ba napatawag?” tanong nitong muli. Kinuwento niya rito ang tungkol sa binebentang kotse sa kanya. Sa halip na sagutin ay ipinasa nito sa Ta

