Nang makapasok ng bahay si Gabie ay dire-diretso siyang tumungo sa kanyang kuwarto. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Joan na noon ay naghahanda ng pagkain sa hapag-kainan. Ayaw niyang mapansin nito na umiiyak siya. Umupo siya sa kama at ilang segundong nakatingin lang sa kawalan. He kissed me. Omeng loves me. Hindi ba dapat maging masaya ako because the feeling is mutual? Anong iniiyak-iyak mo dʼyan, Gabrielle? Nasa ganoong pag-iisip siya nang bumukas ang pinto at pumasok si Edne, may bitbit itong bouquet of flowers. “Oh, Kapatid, ipinabibigay ni Omeng, hindi na raw niya naibigay kanina dahil dali-dali ka na raw pumasok.” Iniabot ni Edne sa kanya ang mga bulaklak at kahit nag-aatubili na tanggapin ito ay napilitan na rin siya dahil ipinatong ito ni Edne sa kanyang hita. H

