Pumunta si Omeng sa flower shop para bumili ng bulaklak na ibibigay niya kay Gabie. Ngayong gabi sila nakatakdang mag-usap katulad ng napagkasunduan nila. At dahil Nalaman niya mula kay Edne na tulips ang favorite ni Gabie, iyon ang binili niya. . This is really is it! Tonight is the night! Hindi maitago ang saya sa kanyang mukha. Habang naghahanda ng damit na isusuot ay may narinig si Omeng ng kumakatok sa pinto. “Pasok!” sigaw niya. Pumasok ang kanyang Daddy Joel. “Anak, mukhang may lakad ka, ah. Date ba ʼyan?” nakangiting tanong nito nang mapansin na ilang klase ng damit niya ang nakalatag sa kama. Ngumiti siya rito “Parang ganoon na nga Dad.” “Bakit hindi ka pa sure? Mukhang humihina na ang kamandag mo sa chicks anak, ah,” biro ng Daddy niya. Muli siyang napangiti. “I'm just

