“TANYA!” bulalas ni Austine. Si Tanya nga ang babaeng ang isa sa kasabwat sa dumukot kina Ezrah at Austine at ngayon ay walang takot itong humarap sa kanilang mag-asawa. Napalunok ng laway si Ezrah. Damang-dama niya ngayon ang pagkabog ng dibdib niya sa takot na baka saktan na naman ng mga ito si Austine na ngayon ay bugbog-sarado na at may nadagdagan pa ang sugat sa ulo dahil may tama na rin ito ng baril sa paa na walang tigil ang pagdurugo. Natatakot si Ezrah na baka maubusan ng dugo ang asawa at iyon ang dahilan para mamatay ito. “Bakit? Bakit ginagawa mo ito sa amin?” nanghihina pero galit na tanong ni Austine kay Tanya. “Dahil kailangan namin malaman kung sino ang Alpha at ang nakakaalam ng katauhan ng Alpha na iyon ay ang Kuya ng babaeng ito.” Dinuro pa siya ni Tanya. “At para

