NAKATANGGAP ng tawag si Ezrah mula kay Papa na pumunta raw si Austine sa bahay nito at narinig ang pakikipag-usap ni Papa sa kapatid nito at ang usapan ay ‘tungkol sa Mama ni Austine. Sinabi rin ni Papa na umiyak si Austine pero mayamaya nang huminahon ay umalis ito na hindi naman napigilan ng ama ng asawa. Inakala ni Ezrah na umuwi na si Austine sa bahay nila pero pagdating sa bahay ay wala roon ang asawa kaya ilang beses niya itong tinawagan na hindi naman sinasagot at kahit ang mga text niya ay wala ring reply mula sa asawa kaya sobrang nag-aalala siya sa kalagayan ngayon ng asawa pero hindi naman niya alam kung nasaan na ito ngayon at kung ano nang nangyayari rito. Nakatanggap nang gabing iyon ng tawag kay Cyrus at nasa presinto raw ito dahil tinawahan ni Austine. Nasa presinto ngayo

