Chapter 64

3385 Words

“NAIILANG ka bang nandito ako, Ez?” tanong ni Kuya Macky kay Ezrah nang umupo siya sa upuang kahoy sa labas ng bahay ng subject ng trabaho ng team niya na si Henrico Apollo Buena. Nasa loob ng bahay si Mikaelle dahil ini-interview pa niya si Henrico matapos nilang makuhaan ng litrato ito at siya naman ay lumabas para magpahangin at pagmasdan ang magandang tanawin sa paligid. Hindi napansin ni Ezrah na sinundan pala siya ng nakakatandang kapatid na talagang nagpunta sa Zamboanga para bantayan lang si Mikaelle. Umupo sa tabi niya ang kapatid at napabuntonghininga. “Hindi naman, Kuya. Gusto ko lang talagang magpahangin kaya ako lumabas,” tugon niya. “Akala ko naiilang ka. Sabagay, naiintindihan naman kita,” nakangiting tugon nito. Napangiti siya sa kapatid. “Hindi ko akalain na daratin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD