“BAKIT malakas ka?” narinig ni Ezrah na tanong ni Slant kay Mikaelle kaya napalingon siya sa dalawa na kung mag-usap ay parang walang nangyari na kakaiba kanina. Mukhang close na ang dalawa na pareho sa paningin niya na werdo. “Sumasali kasi ako sa mga karate class, judo at marami pang iba,” tugon ni Mikaelle. “Ako rin. Pero kasi ang liit mo—“ “Namemersonal ka ba?” inis na tanong ni Mikaelle na ikinangiti niya. “Hindi. Pero totoo naman,” inis na tugon ni Slant. “Baka naman mag-away pa kayo?” inis na saway ni Gian. “Hindi dapat ako ang inawat mo kanina dapat iyong kapatid mo!” inis na sabi ni Slant kay Mikaelle. “Mas gusto ko ikaw, eh!” nakangising tugon ni Mikaelle. Napagkamalan pa ni Slant na kapatid ni Mikaelle ang Kuya Macky niya. Kung alam lang nito ang relasyon ni Mikaell

