bc

My Stranger Lover Became My Stepdad

book_age18+
143
FOLLOW
1.4K
READ
billionaire
forbidden
HE
powerful
heir/heiress
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Bryan Saavedra ay panganay na anak ng isang makapangyarihang pamilya, at napilitang umalis matapos pagtangkaang kitilin ang kanyang buhay. Sa ilalim ng pangalang Ador ay nagtago siya sa isang liblib na bundok na malayo sa panganib at sa mundong kanyang kinagisnan.

Doon niya nakilala si Ariella, isang simpleng dalaga na hindi tulad ng iba. Tahimik ito inosente, at hindi kailanman lumapit sa kanya para magpapansin. May kakaiba siyang naramdaman rito nang una niya itong makita ngunit pinigilan niya iyon at iniwasan dahil sa kanyang kalagayan.

Ngunit sa kabila ng kanyang pag-iwas, hindi niya napigilan ang sariling mahulog paro rito. Isang gabing puno ng unos ang nagbago ng lahat, isang gabing naging simula ng lahat nang mailigtas niya ito mula sa kapahamakan may nangyari sa kanila.

Ngunit tulad ng kanyang pagdating sa buhay nito, bigla rin siyang nawala ng walang paalam at walang paliwanag.

Tatlong taon ang lumipas nang muling nagtagpo ang kanilang landas, ngunit sa pagkakatapng iyon ay hindi nila inaasahan. Kinuha siya ng kanyang ina sa bundok kung saan siya nito inabandona para dadalhin sa bagong tahanan nito sa napapangasawa nitong mayamang lalaki.

Ngunit laking gulat ni Ariella nang lalaking minsang minahal niya ay siyang pinakilala ng kanyang ina sa kanya na pangalawang asawa nito. Gusto man siyang umatras pero wala na siyang magagawa pa. Sa pagitan ng tama at mali ng nakaraan at kasalukuyan ay muling sisiklab ang damdaming pilit nilang ibinabaon.

Hanggang saan nila kayang pigilan ang isang pag-ibig na bawal?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
PROLOGUE Hindi niya inasahan na babalik pa ang kanyang ina sa tagal na siyang iniwan nito, Nasa 13 years na itong iniwan siya na wala nang paramdam man lang sa kanya. Iniwan siya ng kanyang ina sa kanyang tiyahin na kapatid ng namayapa niyang ama. Isang tanghali niyan ay biglang may tumigil na isang mamahaling sasakyan sa tapat ng lumang bahay ng kanyang tiyahin, napatigil siya at tiningnan mula sa bintana ang dumating na sasakyan. At hindi siya makapaniwala lalo na nang bumukas ang pinto, at bumaba ang isang babaeng hindi niya agad nakilala ngunit pamilyar sa kanya ang mukha. Agad naman niyang nakilala ang kanyang ina, At doon nagulat siya sa pagdating nito. Maganda ito, Makinis ang balat at maayos ang pananamit. Parang hindi man lang ito tumanda at mukhang dalaga pa rin. Natuwa ang kanyang tiyahin sa pagdating ng kanyang ina nang makilala ito ang ina niya, lalo na nang makita na mukhang umasenso ito sa buhay. Maya-maya pa ay kinatok siya ng kanyang tiyahin. "Ariella! Lumabas ka diyan!" sigaw nito sa labas ng kanyang silid. Napilitan siyang lumabas at mabigat ang kanyang mga hakbang. Hindi niya alam kung anong mukha ang ipapakita niya sa kanyang ina, galit ba, lungkot, o pananabik. "Ariella." Napatigil siya, Dahan-dahan siyang napatingin rito. "Naalala mo pa pala ako, nay…?" mahina niyang tanong. Ngumiti ito sa kanya, Si Elizabeth, ang inang iniwan siya ng ilang taon. "I'm sorry, anak. Pero babawi ako sa'yo. Nandito ako para kunin ka… at magsama na tayo." Nabigla siya saglit sa sinabi nito. Sari-sari ang kanyang nararamdaman, galit, sakit at pananabik niya sa ina na matagal nang iniwan siya. "Bakit… ngayon ka lang?" halos pabulong niyang tanong. Hindi agad sumagot si Elizabeth. Sa halip, hinawakan nito ang kamay niya ng mahigpit. "Sumama ka sa akin, anak," sabi nito. "Panahon na para punan koang lahat na pagkukulang ko sa'yo." Lahat? nasaktan siya, Napakabilis sabihin iyon pero napakahirap paniwalaan. Ngunit nang lingunin ni Ariella ang kanyang tiyahin, at naisip ang mga sigaw nito at utos, ang kanyang pagod araw-araw sa poder ng mga ito, napapikit siya sandali at malalim na napaisip. Ngunit ang huling desisyon niya ay pinili niyang sumama sa kanyang ina. Sa mahabang biyahe, Tahimik lang sila at habang papalayo sila sa baryo, pakiramdam ni Ariella ay unti-unti rin niyang iniiwan ang mga pagtitiis niya sa ilang taon at higit sa lahat, iniwan niya ang alaala nila ng lalaking minsan niyang minahal sa bundok na iyon—si Ador. "Magiging maayos na ang lahat," Wika ng ina na may ngiti sa labi. "May bago ka nang buhay, anak at pamilya." Nakinig lang siya sa sinabi ng ina, ang pagmamahal at salitang matagal na niyang hindi naramdaman. "May asawa na ako," dagdag nito. "Mabuting tao at mayaman siya." Hindi sumagot si Ariella, nakinig lang siya rito. Pagdating nila sa Makati, napatigil siya dahil isang napakalaking mansyon ang bumungad sa kanya. Malinis, marangya at halos hindi masukat kung gaano ito kalaki. Parang hindi siya pweding maging kabilang doon. "Halika," malambing na sabi ng kanyang ina. "I-ito po ang tahanan ng asawa niyo, nay?" mangha niyang tanong. "Yes, anak." Dinala siya nito sa loob. Mas lalo siyang namangha dahil marmol ang sahig nito, matataas ang kisame at lahat ay perpekto, isang tirahan na para lang sa mayayaman. At pagpasok nila sa loob, agad niyang nakita sa gitna ng malawak na sala—isang lalaking matangkad na kahit nakaupo ito ay halata na matangkad ito. Matikas amg katawan kahit nakatalikod ay naramdaman niya agad ang presensya nito. "Nandito na kami, Sweetheart!" Wika pa ng ina niya sa lalaking nakatalikod habang paparating sila sa kinaroroonan nito. "Ariella, anak…" masayang sabi ng inang si Elizabeth. "Meet your stepfather." Huminga si Ariella at hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso niya. "My sweetheart, Bryan, ang anak ko," Dahan-dahang humarap ang asawa ng kanyang ina, At sa isang iglap ay parang tumigil ang mundo nito, nanlaki pareho amg mga mata nila nang makita ang isa't-isa. "I-ikaw…?" gulat niyang sambit. Napatitig din ang lalaki sa kanya at napakunot-noo ito dahil hindi makapaniwala. "Ariella?" Namutla siya, at napapigil-hininga habang nagtama ang kanilang mga mata. Ang lalaking nasa harap niya, ang mayamang asawa ng kanyang ina, ay walang iba kundi si Ador! Ang estrangherong minahal niya sa bundok, ang lalaking bigla na lang nawala, at iniwan siyang walang paalam. CHAPTER 1 Lahat ng kababaihan sa bundok ng San Agustin ay kinilig at walang ibang usapan kundi ang isang lalaking bagong salta sa lugar nila. "Celina, nakita mo na ba 'yung bagong dating?" sabik na tanong ni Lira habang hinihila ang braso ng kanyang kaibigan. "Alin? ‘Yung nakatira raw sa kubo ni Mang Doro?" sagot naman ni Celina na halatang interesado at updated din sa balita. "Oo! grabe, Celina! hindi lang gwapo, iba ang dating, Parang mayaman ang lalaki sa kanyang porma, na kahit simpleng suot lang ay halatang galing sa marangyang buhay," halos pabulong pero puno ng kilig ang tinig ni Lira. Papunta sila sa isang maliit at bilog na balon na pwedi lang sandukin ang tubig, para mag-iigib. May bukal ng tubig doon mula sa bundok, malamig at super natural ang iniinom nila sa bundok. Hindi naman namalayan ng dalawa na nasa likuran lang si Ariella, nakasunod lang sa mga ito at nakikinig sa kanilang pinag-uusapan. Noong isang araw pa narinig ni Ariella ang tungkol sa estrangherong lalaki na pinag-uusapan sa kanilang maliit na lugar, hindi lang ang mga kadalagahan kundi pati na ang mga nanay at tatay. Si Mang Doro ay dumating kasi noong isang araw at kasama nito ang lalaking guwapo daw. At nasa bahay na rin nila si Mang Doro, hindi na ito bumalik sa Maynila kung saan naging driver ito ng ilang taon. Tinanong ng lahat si Mang Doro kung sino ang lalaking nasa lumang kubo nito, sabi nito ay hindi din daw nito kilala ang lalaki, tinulongan niya lang daw ito at pinatira sa kubo niya dahil mabait at maayos naman daw ang guwapong lalaki makikipag-usap. Mula umaga hanggang hapon, iisang usapan lang at topiko sa maliit na baryo nila— ang lalaking bagong salta sa bundok. Walang nakakaalam kung saan siya galing at kung ano ang sadya nito. Ang alam lang ng lahat, pinatira lang siya ngayon sa lumang kubo ni Mang Doro, sa may bandang gilid ng kakahuyan. At hindi siya basta lalaki, matangkad ito, matipuno ang pangangatawan, maitim ang buhok na tila laging bagong ligo. At ang mga mata nitong malamig pero malalim kung tumingin ay parang may tinatagong problema na walang sinumang pwedeng makaallam. Tahimik ito at halos walang imik. At iyon ang mas lalong nagpainit sa kuryosidad ng mga dalaga. "Subukan ko kayang lapitan?" biro pa ni Celina isang hapon, sabay tawa. "Subukan mo, baka ikaw ang unang pansinin!" tukso ni Lira at natawa naman ang ibang nakinig na sina Bebian at Cindy. Nasa ilalim sila ng malaking puno ng duhat nag-uusap at nagtatawanan. Ngunit sa kabila ng kanilang mga halakhakan, may kakaibang pakiramdam sila sa pangalan ng lalaking iyon. Siya si Ador, at para bang hindi siya nararapat disturbuhin, Para bang may dalang panganib ang kanyang presensya. ___ Sa kabilang banda ng bundok, sa loob ng kubong yari sa kahoy at pawid, tahimik na nakaupo ang lalaking pinag-uusapan ng lahat. Nakatitig siya sa malayo, Sa puno sa paligid at sa payapa ng kalangitan, tila hindi ganoon ang nasa loob niya dahil magulo ang kanyang isipan sa nangyari sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang baso ng tubig sa kanyang kamay, at saglit niyang ipinikit ang mga mata. At sa likod ng katahimikan ng kubong kinaroroonan niya ngayon, ay naisip niya ang mga nangyari hanggang sa kanyang pagtakas. Hindi siya Ador, at hinding-hindi siya magiging simpleng lalaki lamang. Ngunit dito sa bundok ng San Agustin, iyon ang kailangan niyang sabihin na siya si Ado, . Na siya ay wala nang ibang pangalan. At ang lahat ng naiwan niya sa baba ay pansamantalang tuluyan niya munang talikuran. Ngunit kahit anong pilit niyang takasan, may mga bagay na hindi basta iniiwan, At may mga taong hindi kusang papasok sa isipan niya kahit hindi niya gusto. Malamig ang gabing iyon sa bundok sa may kubo, ang hangin ay dahan-dahang pumapasok sa pagitan ng mga siwang ng kubo na tila nagsasabi ng paalala sa kanya ng mga nangyari sa kanya. Tahimik lagi ang paligid, at ang lamig ay ramdam na ramdam niya ng mga sandaling iyon. Sa maliit na kusina ng kubo, nagsindi ng apoy si Ador at maingat niyang inayos ang mga tuyong kahoy, saka sinindihan. Unti-unting sumiklab ang apoy, nagbibigay ng liwanag iyon sa loob ng kubo niya at init na dahilan upang mawala ang lamig niya. Umupo siya sa harap nito at tahimik lang siya ngunit ang isip niya ay magulo pa rin. Kinuha niya ang manok na galing kay Mang Doro kanina, malinis na iyon at handa nang ihawin. Isinaksak niya ito sa patpat at dahan-dahang inilapit sa apoy, mga ilang minuto ay naamoy niya ang usok at karne na unti-unting kumalat sa loob ng kubo. Ngunit kahit ganoon, tila wala siyang ganang kumain at nakatitig lang siya sa apoy. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa patpat, at sa likod ng katahimikan ng gabing iyon, unti-unting bumalik ang mga alaala. Mga yabag lang niya sa dilim sa loob ng kubo habang kumilos para ihanda ang higaan pagkatapos niyang kumain at ang mga mata niya ay nagmamasid lang sa paligid. Mariin niyang ipinikit ang mga mata pagkatapos na niyang maihiga ang kanyang katawan. "Hindi na, gusto ko muna kalimutan saglit ang lahat." bulong niya sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
686.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.4M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
926.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
330.5K
bc

Not just, the Beta

read
332.0K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook